Chapter 23

80K 2.1K 1.4K
                                    

***Chapter 23***

Enjoy reading!

I WOKE UP WHEN I FELT LIKE someone is kissing me on my lips. Nang magmulat ako ng mga mata ay ang nakangiting mukha ni Edsel ang bumungad sa akin.

"Goodmorning." Magiliw na bati nito.

He looks fresh. Halatang bagong ligo ito dahil medyo basa pa ang buhok nito. Nakapabango nito at hindi ko mapigilang mapatitig sa natural na mapupulang labi nito. Ilang beses ba akong pinaligaya ng mga labi na iyon kagabi? Hindi ko na mabilang basta't napakaraming beses.

"Looks like you want to make love to me again, love. May ibubuga pa ako at kayang-kaya ko pa." Anitong titig na titig din pala sa akin at may mapaglarong ngiti sa mga labi.

Bigla naman akong natauhan at tumikhim bago ko ito nginitian.

"Morning, boyfriend." Tanging nasabi ko.

Edsel chuckled and kissed me on my forehead.

"Get up now and let's have a breakfast. I've already cooked." Masuyong sabi nito at dinampian ako ng mabilis na halik sa mga labi.

"I'm still sleepy." Reklamo ko. "And I feel sore down there."

Kaagad na gumuhit ang pag-aalala sa mukha ng kasintahan ko.

"Are you hurt? I'm sorry, baby." Anito at muli akong hinalikan sa mga labi.

"Pinagod mo ako. Hindi mo ako tinigilan. You're so insatiable. Hindi ko akalain na aangkinin mo ako ng ilang beses. Paulit-ulit. Ni hindi ka napapagod. Ang sakit tuloy." Naiiling na sabi ko.

Hinawakan nito ng mahigpit ang mga kamay ko.

"I'm sorry, baby. I'm sorry." He sounds worried and really affected.

"Ginusto ko din naman. Ang sarap, eh." Sabi ko at humagikhik.

Sandali akong tinitigan ni Edsel at kapagkuwan ay kumawala ang malulutong na halakhak mula dito.

Sinimangutan ko naman ito at ngumuso.

"I'm sorry. I can't help it. You look so cute." Natatawang sabi nito habang nakahawak sa tiyan nito.

"I won't allow you to make love to me again and-"

"Okay. Just forget that I just laughed." Ani Edsel na kaagad nagseryoso ang mukha.

Gusto ko itong pagtawanan. Loko-loko talaga.

"Come on. Get up now, baby." Anito at inalalayan akong bumangon.

"I'll just take a shower first." Usal ko nang makatayo.

"Do you want me to accompany you?" Anito na may halong pag-aalala sa boses lalo na nang makita nitong napapangiwi ako.

"No. I can manage." Sabi ko at nagsimulang humakbang.

Pero nakaisang hakbang pa lang ako ay kaagad na nanlambot ang mga tuhod ko at nawalan ako ng balanse. Naging mabilis ang paggalaw ni Edsel at kaagad akong hinawakan sa beywang.

Phoenix Series #2: My Heart Did Choose You(COMPLETED)Where stories live. Discover now