Chapter 4✓

3.7K 34 0
                                    

Red's  POV, 

Kaagad kung nabitiwan ang baril ko ng may yumakap sa akin mula sa likuran. Ng lingunin ko ito bumungad sa akin si Blue.

Ito na naman ang puso ko,  kumakabog ng malakas. Huwag sabing aasa eh.

"Oh? Bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya at pinulot ang baril ko. Nasa firing site ako, at bakit siya nandito.

"Wala lang, na bored ako sa opisina. Tinawagan ko si Slyde ang sabi niya dito ka daw kaya pumunta nalang ako dito." Saad nito at itinukod ng chin niya sa balikat ko.

"Pumunta ka dito para manglandi kamo. Nako Blue, huwag sa harapan ko. Kahit na mahal kita babarelin kita." Saad ko sa kanya at kinasa ang barel ko.

"Ikaw lang naman ang lalandiin ko dito na hindi aasa." Siniko ko nga, kita muna. Hinayupak na lalaki.

"Ewan ko sayo, bitaw muna." Saad ko habang isa-isang pinapatumba ang target.

"Ang galing ng baby ko, sharp shooter. Alam mo ako sharp shooter rin." Walang alinlangan na sinapok ko siya. Binaba ko ang baril at humarap sa kanya at piningot ang ilong niya.

"Ang maniac mo talaga Blue!" Sigaw ko sa kanya bago binitiwan ang ilong niya.

"Maniac nakahubad baby." Nakangusong depensa niya pa.

"Minsan naka suit Blue." Supalpal ko sa kanya, mas tumulis ang labi nito. And I admit it, he's cute.

"Damn! Maniac pala ako. Pero totoo sharp shoo--baby naman joke lang!" Hindi ko siya pinatapos at kinurot ang tagiliran niya. Maniac eh.

"Pagdating sa kamanyakan magaling ka talaga eh no. Lakad na nga, at nagugutom na ako." Bulyaw ko sa kanya, mabilis itong umakbay sa akin at hinalikan pa ang ulo ko. Tangina ka talaga Blue!

"Sa Slyde's tayo kumain." Tumango nalang ako sa sinabi niya. Habang naglalakad kami panay ang kalikot nito sa dulo ng damit ko. Kaya napapatingin sa amin ang ibang agents. Secret daw,  tapos nakaakbay sa akin. Notice ko, kapag nandito lang si Sky hindi lumalapit ang buknol na ito. Pero kapag wala, bahala na kung sino ang makakakita sa amin.

"Nga pala, mawawala ako ng ilang araw." Tiningnan ko si Blue ng sabihin niya ito. Binalik ko ang tingin ko sa daan.

"Ah ganon ba, mag-iingat ka. Kailan ang balik mo?" Tanong ko sa kanya, wala eh. Hindi ko mapigilan ang bunganga ko.

"Five days akung mawawala. Huwag kang mangabit dito baby habang wala ako." Marahas ko siyang tiningnan at tinusok ang ilong niya. Tumayo pa ako sa harapan niya.

"Hoy Saavedra! Ikaw ang babaero sa ating dalawa! At maghahanap ako ng lalaki kung gusto ko!" Sigaw ko sa kanya, kaagad nalukot ang mukha nito.

"Hindi muna ako mahal na maghahanap ka ng ibang lalaki?" Nakabusangot na saad nito. Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi. Sarap landiin ni Blue, pumapatol eh. Kaya madaming babae niya eh.

"Alam mo Blue, ang landi mo. Hindi ka mauto." Saad ko at bumitaw sa kanya. "Nga pala,  nandito si Sky magkasama sila ni White kanina, hindi ko alam kung saan nanggaling." Saad ko, biglang tumuwid ng tayo si Blue. Ay, nagulat.

"Saan sila?" Tanong nito, kumunot ang noo ko.

"Nasa villa ni White. Halika na, uulan na oh." Saad ko at hinila siya, pero tumigil ito at tumingin sa kalangitan. Bigla siyang tumingin sa akin at basta nalang akung hinila palapit sa kanya at niyakap.

"Blue?  Uulan na oh.  Mababasa tayo." Siya ko sa kanya pero mas humigpit pa ang yakap niya sa akin.

Hindi nga nagtagal bumagsak na ang ulan. Napatili ako pero hindi naman ako makaalis sa yakap niya. Naman oh!

The Mafia's: Secretly Makingout (Series 4) COMPLETED IN DREAMEWhere stories live. Discover now