Chapter 5✓

3.3K 25 0
                                    

Red's  POV,

Walang Blue ngayong araw at sa susunod na araw. Umalis kasi ito, hindi ko alam kung saan ang punta niya. Malamang sa trabaho niya, kahit malandi ang lalaking iyon mahalaga parin sa kanya ang kompanya niya. Magkaiba kasi sila ng kompanya ni Sky.

At ako, dito ako sa pader nakasandal. Sumama ako kay Blade sa mission nito. Kasama niya si Fire at Comp.

Sumama ako kasi patayan ang pupuntahan nila. Wala akung mission ngayon. Siguro bukas magkasama na kami ni White.

"Reycol?" Rinig kung wika ni Comp, napatuwid ako ng tayo at hinugot ang barel ko.

"Yes, nandito na ako sa pader." Mahinang saad ko, nasa factory kami at nasa loob ng tubo silang tatlo. Kailangan lang naming pasabugin ang factory na ito at patayin ang lahat ng tao dito.

Mga halang ang kaluluwa nila. Gumagawa sila ng chemicals na makakapatay ng tao. Kaya, kailangan na tapusin na ang kaligayahan nila.

"Damn Red! Pumasok ka loob, buksan mo ang isang tubo at lalabas kami. Nasusuka na ako dito." Seryosong saad ni Blade napatawa naman ako. Ikaw ba naman gumapang sa tubo na kasya lang ang katawan mo, hindi ka makalingon sa likuran at limitado pa ang hangin.

"Coming." Sagot ko nalang at mabilis na binuksan ang pinto na nasa tabi ko. Walang alinlangan na pumasok ako habang nagmamasid sa paligid kung may tao.

Tumigil ako sa isang tubo na nakatayo at sinuot ang maskara ko. Binalik ko ang baril ko at ang laser pen ang kinuha ko.

Mabilis akung nagtago at walang alinlangan na hinila ang nakabantay sa pinto. Pinutol ko ang ulo niya gamit ang laser pen. Buti nga sayo. Kaagad kung inikot ang lock at hinila ito.

Napatakip ako ng ilong ko dahil sa sobrang baho. Hindi nagtagal nakita ko na sina Comp na palabas. Humarap ako sa pinto at tinutok ang baril ko. Mahirap na baka may pumasok.

"Damn! Sobrang baho!" Rinig kung sigaw ni Fire, nilingon ko siya na hinuhubad ang takip niya sa ulo.

"May parating, magtago kayo." Mabilis kung saad kaagad naman silang nagtago pero sinauli muna ni Comp ang takip ng tubo.

Nagtago ako sa gilid ng pinto at hinanda ang baril ko. Ng bumukas ang pinto, pumasok ang limang lalali na naka suit.

"Be sure that you will deliver the drugs immediately." Saad ng lalaking matanda. Kaagad namang tumango ang kasama nito nasa banta ko mga alagad niya.

Sadly, mawawalan na kayo ng negosyo.

Nakita ko sa dulo na nakatingin sa akin ang mga kasama ko. Tinuro ni Fire ang cellphone niya, may tumatawag dito.

Nakita ko ang pangalan ni Blue. Napapailing si Blade habang nakatingin sa akin. I sign them wait.

May nakita akung tubo sa tabi ko kaya kinuha ko ito at binalik ang baril ko.

Humakbang ako at walang alinlangan na hinampas ang tubo ang taong nakatalikod sa akin. Nagulat ang mga kasama niya sa ginawa ko, napahandusay sa semento ang kasama nila.

Mabilis kung hinarap ang kasama niya at itinaas ang tubo.

"Don't you dare fucking move!" Sigaw ko sa kanila at inapakan ang kamay ng lalaking walang malay. Ito ata ang boss nila eh. "Dapa!" Malakas kung sigaw. Kaagad naman na lumapit sa akin sina Fire at linagyan ng posas ang apat na lalaki.

"Akin na ang phone mo Fire." Saad ko, kaagad naman niyang binato ang cellphone niya sa akin, nasagot niya ang tawag. Ibig sabihin narinig niya ang ginagawa ko. Damn!

"Yes, Blue?" Saad ko at binigay kay Blade ang tubo. Si Comp naman inaayos na ang bomba. Madali lang naman ang mission nila.

"This is Sky. Damn! Blue ba ang pangalan ko sa contacts ni Fire." Marahas kung nilingon si Fire na kinakamot ang ulo niya.

The Mafia's: Secretly Makingout (Series 4) COMPLETED IN DREAMEWhere stories live. Discover now