Chapter 2✓

4.5K 61 2
                                    

Red's  POV,

Dapaing ako sa sakit ng diniinan ni Comp ang paggagamot sa sugat ko. Kakabalik ko lang galing sa Italy. Tatlong araw ako doon, nag imbestiga lang naman ako sa nangyaring pagsabog noong nakaraang linggo.

Ng makabalik ako dito aksidenting natamaan ako ng bala habang puma-firing ang baguhang agent ng TDR. Sina Nickel at Calsium ang head nila, kaka promote lang nilang dalawa sa special agent.

"Bakit kasi hindi nag-iingat." Inirapan ko si Comp, natamaan ako ng bala sa likuran. Damn! "Red, nasa villa ko ang isang barel mo." Saad ni Comp at maayos na linagyan ng bandage ang sugat ko.

"Sige, kukunin ko mamaya." Sagot ko at napabuntong hininga. Ano na kaya ang ginagawa ni Blue ngayon. Malamang Red nasa ibang babae naman. What do you expect with Blue. Tatlong araw akung wala, malamang lumandi na naman.

"Red, let's dinner after this. Gusto mo? It's my treat." Napalingon ako kay Comp, ngumiti siya sa akin.

"Sure, saan ba?" Tanong ko at tumayo sa harapan niya. Nasa clinic kami ng TDR, bumuntong hininga ito at inayos ang mga gamot.

"Sa mall, kasama ko sina Fire at Flame at kasama kana rin." Saad nito, ngumiti ako at tumango. Wala na naman akung trabaho. Bukas ko nalang pupuntahan si Blue, total mag-gagabi na.

"Sige, daanan mo ako sa villa hindi ako magdadala ng kotse." Nakangising saad ko, umiling lang si Comp at tumayo. Sabay kaming lumabas ng clinic.

"Wear this, malamig. Naka sports bra kalang." Tiningnan ko ang jacket na nilagay ni Comp sa balikat ko. Inamoy ko pa.

"Salamat, isasauli ko mamaya." Saad ko, tumigil ako sa paglalakad kaya medyo nauna siya. Mabait si Comp, napailing ako at tumakbo at kinabitan ang balikat niya.

"Damn Red! May sugat ka!" Bulyaw niya sa akin, habang hinawakan ako sa beywang.

"Arte nito, sige kita nalang tayo mamaya! Daanan mo ako ha!" Sigaw ko at tumakbo na papasok sa villa ko. Ng makapasok ako kaagad akung nagbihis ng jeans at simple pink shirt,  pinarisan ko ito ng rubber shoes.

Tinali ko rin ang mahabang buhok ko. Tsaka naman narinig ko ang busena sa labas. Mabilis akung tumakbo at bumaba.

Sumalubong sa akin ang dalawang Ducati, ang isa doon nakasakay ang kambal sa isa naman si Comp lang.

"Tara na Red! Kay Comp ka sumakay!" Sigaw ni Fire at yumakap kay Flame. Nakita ko kung paano sikuhin ito ni Flame.

"Ang landi mo! Huwag ka ngang yumakap sa akin! Bakit kaba dito sumakay sa akin!" Bulyaw sa kanya ni Flame, pero parang walang narinig si Fire mas yumakap pa ito kay Flame. Kambal nga naman.

"Hop in." Saad ni Comp, kinuha ko ang helmet na binigay niya at sinuot. Mabilis akung umangkas sa likod niya.

"Nga pala, bukas ko na ibabalik ang jacket mo." Saad ko at humawak sa balikat nito. Walang malisya to, kapatid na ang turing ko sa mga agent dito.

"No problem. Humawak ka, we will race." Sabay lingon sa akin ni Comp ng sabihin niya. Doon napatingin ako kina Flame na nasa tabi na namin. Ngumisi ako sa kanila.

"Kami ang mananalo." Seryosong saad ni Fire, binilatan ko siya.

"Will see." Saad ko, with that mabilis na humarurot ang ducati ni Comp palabas ng TDR. Ganon din sina Fire.

Napayakap ako kay Comp ng dumaan ito sa gitna ng truck at bus, hindi sa natatakot ako ganito din ako magpatakbo. Ang kinakatakot ko baka mahulog ako, sa liit kung ito. Kaya akung tangayin ng hangin.

The Mafia's: Secretly Makingout (Series 4) COMPLETED IN DREAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon