Chapter 4

48 1 0
                                    

Darcy's POV

"Kanina ka pa ba jan?" Halos mapatalon ako sa gulat ng makita si Finn sa gilid ng aking kama. Malamig ang kanyang tingin sabay humalukipkip.

"Get up. Ikaw nalang ang hinahantay" Nagtaka naman ako.

"Hinahantay?" Kumunot ang kanyang noo.

"Hindi kame kakain hanggat naka higa ka pa" Malamig niyang sambit.

"Bakit hindi pa kayo kumain? Wala naman akong sinabe na hinatayin nyo akong magising ah?" Umigting ang kanyang panga sa sinabe ko.

"You are our responsibility Ms. Arcades. Hinabilin ka sa amin ng aming ama kaya bumangon kana jan para makasabay kana. Bibigyan kita ng limang minuto para makababa" Tinalikuran niya na ako sabay labas ng kwarto.

Limang minuto? Hmm, let me see about that. You are not the boss of me, Finnegan. Sinadya kong bagalan ang pagbaba papunta sa dining area. Nasa hamba palang ako nakita ko na ang talim ng tingin niya sa akin. Umismid lang ako sa kanya.

"Finally! Can I eat now?" Tanong ni Taffyta. Tumango si Finnegan sabay lagay ng pagkain sa plato ng kanyang nakababatang kapatid.

Kasabay namin ngayon si Tofu and kanina ko pa siyang nahuhuli na tumitingin sa akin. Isinantabi ko iyon at nag-umpisa ng kumain. Tahimik lang si Cade at Blu habang kumakain.

"Kuya" Naagaw ni Taffyta ang atensyon naming apat.

"Hmm?"

"Kailan po uuwi sila kuya Nico? Wala po akong kalaro sa Xbox!" Ngumuso si Taffyta.

"I don't know, munchkin. Maybe next month. You know it's still summer" sagot ni Blu.

"Can we go there too? I want to see them" Umiling si Finnegan.

"Just wait for them to come home, alright? I'll ask them later" tipid siyang ngumiti kay Taffyta.

"Kyohei" Tawag ni Tofu. "Wanna join me later?"

"Saan naman?" Tanong ni Cade.

"Basketball. Inimbitahan ko sila Gino" Tumaas ang kilay ni Finnegan.

"Dito kayo maglalaro?" Tanong niya kay Tofu.

"Yeah. Why?" Nagkibit balikat si Finnegan.

"Don't tell me maglalaro ka?" Naka ngising tanong ni Blu.

"Wala namang masama. Besides wala akong gagawin ngayon" Nagkatinginan yung tatlo.

"Woooh" Parehas kaming nagulat ni Taffyta sa pagsigaw nila. Napahawak ako sa aking dibdib.

Tinignan ako ni Finnegan sabay kunot noo. Shit!

"Are you alright?" Tanong niya. Tumingin sa akin yung tatlo. Tumango ako sabay tayo.

"Oh saan ka pupunta?" tanong ni Cade.

"Bathroom" sagot ko. Naka hawak pa din ako sa aking dibdib.

Bago pa sila magtanong ay umalis na ako doon. Fuck! Nakatitig lang ako sa aking reflection sa salamin. Huminga ako ng malalim sabay pikit. Hinimas ko ang aking dibdib para kumalma ako. Ang bilis pa din ng tibok ng aking puso.

Napatingin ako sa aking balikat. Pilit kong inalala ang nangyare nung araw na iyon. Wala akong nagawa para sagipin si Papa! Kung hinayaan sana ako ni Tony malamang nasagip ko si Papa. Siya nalang ang kasama ko sa buhay simula ng mamatay si Mama. I remember it clearly. How she died because of my stupidity! I was young that time. Sobrang bigat ng pakiramdam ko ng lumabas ng banyo.

Ang init na ng gilid ng aking mata. Senyales na malapit na akong umiyak.  I don't usually cry. Pero sa nararamdaman kong ito ay gusto kong iiyak nalang para maibsan ang pangungulila.

Die for YouOnde histórias criam vida. Descubra agora