Chapter 10

40 2 1
                                    

Darlene's POV

Pagbaba ko palang sa hagdan eh nagtaka agad ako. Sobrang ingay kase sa dining area kaya nagmadali akong pumunta doon.

"Good morning, Darlene" Bati ni tito Luther ng makita ako. Agad silang napalingon sa akin kaya natigil ang ingay.

"Who is she?" Tanong ng isang lalake na hindi ko kilala. Chinito siya at medyo patusok ang buhok.

"She's Dar-" naputol ang sasabihin ni tito ng may nagsalita mula sa aking likod. Nagulat naman ako.

"Good morning everyone! Sorry for being la-Who are you?" Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang itsura niya. Napatingin ulit ako sa lamesa. Nagpabalik balik ang tingin ko sa dalawa.

"Y-you're tw-twins?" Well obviously they are twins. Stupid!

"Yep. This is Jynok and that's Jyshin" Naka ngiting sabe ni tito Luther.

"Oh okay" yun nalang ang nasabe ko. Uupo na sana ako sa aking usual spot pero inunahan ako nitong Jyshin.

"Haha sa tabi kana ni Finn umupo, hija" sabe ni tito. Nag-alinlangan pa ako nung una pero umupo na din ako.

Nagsimula na akong kumain at habang nasa kalagitnaan ay tumayo bigla si Finn kaya tumingala ako para tignan siya.

"I'm done. I need to go, Dad. May meeting pa ako" sabe niya.

"But Finn, kakauwi lang ng kambal. Hindi ba pwedeng ipagpaliban mo muna yan? We need to celebrate" Tito sounds disappointed.

"No, I can't cancel the meeting" That explain the corporate attire. "Nico is not even here, Dad. We shouldn't celebrate without him. He might be disappointed" Dagdag niya.

"But he's in Hawaii. You know your brother. He can do whatever he want" tito said.

"Uuwi na po siya dito bukas. And he have an announcement tomorrow" sabe ni Finn.

"Really? Bakit hindi mo sinabe agad? Aish! You two!" umiling iling pa si tito.

"And by the way, Prishia is coming with him" tumaas ang kilay nilang lahat.

"Ah the girlfriend. Fine, I think we need to prepare something for them" sabe ni tito habang naka ngisi.

"Yeah right" pagkasabe ni Finn non ay umalis na agad siya. Huminga ako ng malalim at pinagpatuloy ang pagkain ko. I wonder kung gaano ka-gwapo yung Nico. Hays, sana naman pag nagka-anak ako gusto ko yung kasing gwapo nila haha.

Naging abala silang lahat pwera nalang sa akin at kay Taffyta. Kasama ko siya sa garden para magtea party. When I was a kid me and my Mom used to do this.

"Why don't you invite your friends?" sabe ko. Umiling si Taffyta.

"I don't have friends" sagot niya kaya napatigil ako.

"Why?" tinignan ko siya.

"I don't like to be with other people. I just want to be alone" seryosong sagot ni Taffyta. Umayos ako ng upo sabay tikhim.

"That's not right, Taffy. Kailangan mo ng kaibigan" sabe ko.

"No" umiling siya. "Masaya na po ako kila kuya. That's why I don't need other people to be my friend" natahimik nalang ako.

"Taffyta halika na" sabay kaming napalingon sa likod.

"Teka lang po yaya" sagot ni Taffyta.

"I need to go ate. See you later" tumango nalang ako at pinanood na tumakbo si Taffyta.

Napabuntong hininga nalang ako at natulala sa kawalan. Napaka misteryoso ng magkakapatid na Fuente. Hindi ko alam kung anong klaseng pakikisama ang gagawin ko. Minsan masaya silang kasama, minsan naman hindi.

Die for YouWhere stories live. Discover now