Chapter 9

39 1 0
                                    

Darlene's POV

"Darlene! Bumalik ka dito!"

Patuloy lang ako sa pagtakbo. Hindi ko alam kung nasaan ako ngayon puro talahib ang nakikita ko.

Nasa gitna na ata ako ng kagubatan at sobrang dilim na.

"Pag nahuli kita! Sisiguraduhin kong hindi ka na hihinga!" sigaw ng lalaking humahabol sa akin.

Pagod na pagod na ako kaya naman nadapa ako. Kahit sobrang sakit na ng katawan ko ay agad akong bumangon at tumakbo ulit.

"Parang awa mo na! Tigilan mo na ako!" sigaw ko.

May natatanaw akong ilaw mula sa malayo kaya mas lalo kong binilisan ang pagtakbo.

"Tulong!"

"Tulungan nyo ako!" sigaw ko. Habang papalapit ay unti unting nawawala ang ilaw na nakikita ko.

"Tulungan nyo ako! May gustong pumatay sa akin" Umiiyak na ako ngayon.

"Walang makakarinig sayo!" Sa isang iglap hawak niya na ako sa buhok.

"Ahhh bitawan mo ako!" sigaw ko. "Maawa ka sa akin!" Iyak ako ng iyak habang pilit na kumakawala sa kanya.

"Maawa? Baket? Yung tatay mo ba naawa sa mga magulang ko? Naghirap sila dahil sa inyo! Ngayon ako naman ang magpapahirap sayo! Dahil ikaw nalang ang natitira sa pamilya mo!" mas hinigpitan niya ang hawak sa aking buhok.

"I have nothing to do about that!" sigaw ko. "Hindi ko alam ang ginagawa ng Papa ko! So please let me go!"

"Hinde! Magsasama kayo sa impyerno! Hahahaha" tumawa siya na parang baliw.

"Wag! Please!"

"Maawa ka! Maawa ka!"

"Tulong!"

Finnegan's POV

I heard a loud scream across the room. I immediately got up from my bed and went outside my room.

"What's that?" Tofu asked as he went out to his room also.

"Did you hear it? The loud scream?" I saw Carlo and Kyohei.

"I thought, I was just dreaming" sabe ni Carlo.

"Yah, me too" sabe ni Kyohei.

"Tulong!" Agad kaming natigilan ng marinig ulit ang sigaw.

"It sounds like a girl" sabe ni Tofu.

"Tulungan nyo ako! Ahhh maawa ka! Wag!" sigaw ulit ng babae.

"I think it's coming from..." nagkatinginan kaming lahat.

"DARLENE!" Sabay sabay naming sabe. Agad akong tumalikod para lumapit sa pintuan.

"Fuck it! It's locked!" Sabe ko.

"I'll get the keys" prisinta ni Carlo.

"Help me!" sigaw ulit niya.

"There's no time!" sabe ko. "Lumayo kayo sa pinto" umatras ako.

Isang sipa lang ang ginawa ko at bumukas na ang pinto ng kwarto. Binuksan ko ang ilaw dahil sobrang dilim sa kwarto niya.

"Elianacy!" Tawag ko.

"Help me! Help! Papatayin niya ako!" She screamed while lying on her bed.

Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang muka. Pawis na pawis na siya at nagpupumiglas.

"Wake up!" Tinapik ko ang kanyang muka.

"What's wrong with her?" Nasa harap silang lahat.

"Please! No!" patuloy lang siya sa pagpupumiglas. Umiiyak na din siya ngayon.

Die for YouWhere stories live. Discover now