CHAPTER 5

43.2K 778 15
                                    

Inayos ko ang papers na kailangan ng sign ng CEO.Tiningnan ko ang oras alas tres palang. Napabuntong hininga ako .

Ito pala yung feeling na hindi ko makikita si nathan feeling ko ang tagal ng Oras

Napatigil ako sa ginagawa ko ng tumunog ang telepono

"May naghahanap po sa CEO dito sa Ground floor . Girlfriend niya raw po."

Napabuntong hininga ako . Sabi ng dati niyang secretary kapag may naghanap sa kanyang babae .Alamin mo na ang pangalan nito at kung importante ito. Well wala naman akong pake alam sa rumors about him but hindi naman ako bingi para hindi marinig yun.Marami na daw siyang nadadalang babae sa opisina niya . Iba't ibang babae ang naghahanap sa kanya palagi . As if i care -_-

"NAME?"

"Sasha raw po." napataas ang isa kong kilay at napairap kahit alam kong di naman niya ito nakikita.

"Let her .." sabi ko bagsak kong binaba ang telepono. Nat kalma ...wala kang pake alam sa kanila ...remember ?

Habang wala pa si sir ay nagfacebook mo na ako . Tiningnan ko ang friend request ko

Harry Hernandez ?? I co-confirm ko ba ? No kasi boss mo siya at secretary ka lang niya.

Why not ? Friends naman kami diba ?

"Where's Harry ?" tanong ng sopistikadang babae na mukhang unggoy

Umirap ako.

"He's in the meeting room." walang gana kong sabi sa kanya

"Okay ." sabi niya at tumalikod at akmang papasok sa kalagitnaan ng meeting. Napatingin ako sa kanya

"Where are you going ?" taas kilay kong sabi

"In the meeting room ?"

Umirap ako ." Go.."

" What ?"

"Di ka parin nagbabago . Akala mo pipigilan kita . No so go Ikaw naman ang mapapahiya diba ?"

Pumadyak siya na parang bata at umupo sa nakahilirang upuan sa harap ko.

"So childish .." bulong ko

"What ?!"

Umiling ako at inirapan ko lang siya. Ilang beses na ba akong umirap ng dahil sa kanya ngayung araw nato ?

Nagsilabasan ang mga direktor sa meeting room. Ang huling lumabas ay si harry

Mabilis namang tumayo si unggoy at sinalubong siya

"Babe yung secretary mo inaway ako." sumbong niya tumingin naman saakin si harry. Umiling nalang ako at binalik yung paningin ko sa cellphone ko. 

Inacept ko yung friend request niya.  

Lumabas si sopistikadang unggoy sa office ni sir. Agad naman niya akong sinamaan ng tingin. Nag flip hair siya at umalis

Umirap ako at umiling tsaka nagpatuloy sa ginagawa ko.

Chineck ko ang relo ko . Napangiti ako ng makita kong 6:00 na . Niligpit ko ang gamit ko at in-off ang computer

"Hello sir magpapaalam na po sana ako."

"Ahm...wait !! How about dinner with me ?" bumuntong hininga ako . Aba hindi makaget over sa lunch ? gusto pa maka isa ?

"I'm sorry sir ..but I need to go home."

"I..I understand"

"Maybe next time ..Sige po bye !"

"See you tomorrow ..." pahabol niya

8:00PM na ng maka uwi ako sa bahay. Nakita kong natutulog ang anak ko sa sofa. Nilapitan ko siya.Inayos ko pagkahiga niya at hinalikan siya sa noo. Gumalaw siya ng kaunti at unti- unti niyang minulat ang mata niya .

"Nathan ..."

"Mommy ??" bumangon siya at niyakap ako

"Mam nandito na pala kayo hindi ko na po ginising si nathan ang sarap po kasi ng tulog niya" ngumiti ako

"Nag dinner na ba siya ?"

"Di pa po mam...kasi hinihintay ka po niya sabay daw po kayo." nag aalalang tiningnan ko ang anak ko

"Nathan I'm sorry pero dapat masanay kana na hindi ako kasabay magdinner ." Malungkot na tumango ang anak ko

" Mom ! Teacher Cha cha give me a star ! LOOK ! "

" Wow . ang galing naman ng anak ko , patingin nga ---.," napatingin ako sa anak ko.

" sorry mom , sabi kasi ni teacher complete family dapat ang nasa drawing e."



SHORT STORY Y- 2014

MY NEW BOSS IS MY SON's FATHER(New version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon