CHAPTER 24

35.2K 493 49
                                    

6 month later ..........

"Baby...kain ka ha ?? wag kang magugutom magagalit si mommy. !" sinubo niya sa manika ang saging. Napaluha nalang na nakikita ko siyang nagkaganyan. Ngayun ko lang siya nakita kasi ngayun ko lang siya dinalaw .

Hindi na niya nakaya ng mawala ang anak niya. Nawala siya sa sarili niya. Pumasok ako sa kwarto at umupo sa tabi niya. Pinagmasdan ko lang siya kungapano niya alagaan ang manika na parang tunay niyang anak.

Hindi ko mapigilang umiyak . Hinawakan ko ang kamay niya pero tinabig niya lang ito. Tiningnan niya ako ng masama at niyakap ng mahigpit ang manika.

"Kamusta kana ? Magpaggaling kasi hinihintay ka ng lahat ...*sob* hindi lang ikaw nawalan ng anak ...Rea , nandito ako si Irish ang kaibigan mo.Alam kong nasaktan ka ng nawala ang baby mo pero sana kayanin mo kasi nakaya ko rin ng dahil sayo ...*sob* sorry kung iniwan kita sa panahong kailangan mo ako....akala *sob*....Akala ko kasi matapang ka na kaya mo kahit anong laban .... bakit hindi mo ko hinintay ??" Tumingin siya sakin na naluluha.

"AAAAAAAAHH !!! AAAAHHH !!!"sigaw niya habang tinatakpan ang tenga niya . Hinawakan ko kamay niya pero umiiling siya at umaatras .

Pumasok ang mga nurse at nakita kung may ininject sila kay Rea kaya nawalan siya ng malay. Napanganga nalang ako at napatakip ng bibig.

Buwan na ang lumipas pero hindi ko parin nakalimutan si nathan pero tanggap ko na nawala na siya. Ngunit lagi niya akong binabantayan .

Bumuntong hininga ako. Napagpasyahan kong pumunta sa bahay ko.Pumasok ako sa loob , nakita ko ang mga gamit nakabalot ng puting tela pwera nalang sa mga pictures namin ni nathan. Nandito pa pala to ?

Naramdaman kong may pumahid sa mga luhang nasa pisngi. Nathan nandito ka ba ? Magpapakita ka naman kay mommy....miss na miss na kita...

Naglibot ako sa bahay dala dala ang picture ni nathan. Pumasok ako sa kwarto ni nathan , nandito lahat ng gamit niya ang mga libro niya. He really love books at hindi yun nawala sa kanya.

Sayang lang dahil hindi ko siya nakasama ng 5 taon . Sana nakapagluto pa ako sa kanya , sana nakita ko pa siyang nakangiti , sana nayakap ko pa siya ng ilang beses.

Humiga ako sa kama niya at nagsimula uling umiyak...

Harry pov.

"Sir---.,"

"Busy ako." Nagpatuloy sa ginawa ko. Hindi pa siya umaalis kaya tiningnan ko na siya.

"Nandito na po si miss Irish ---., Nat po pala."

"Nasan siya ??"

"Galing po siya sa kaibigan niya pero di namin alam kung saan siya pumunta." Nagmamadaling umalis ako. Gusto ko siyang makita at makausap.

Mula ng namatay si nathan ayaw niya na ako makita kasi naalala niya si nathan saakin. Naintindihan ko siya. Kaya tumayo muna ako at siya naman ay umalis. Umaasa ako pagbalik niya ok na siya .

Nandito na siya hindi ko na hahayaang umalis pa siya. Dumiretso ako sa bahay nila ni nathan , dun lang kasi ang posible niyang puntahan.

Pagdating ko sa bahay ay hindi na ako nag abala pang mag park . Tumakbo ako papasok at hinanap siya. Nakita kong bukas ang kwarto ni nathan.

Tama nga hinala ko nandito nga siya, nakahiga siya sa kama at umiiyak. Napaupo siya ng makita ako at Tumingin sa ibang direksyon....

"Bakit kong magkasama tayo lagi kang umiiwas sakin ? Ano ba yung ginawa ko sayo ? Matagal ko ng gustong itanong sayo to. Bakit tinago mo si nathan sakin ? Bakit di mo sinabing buntis ka noon...

MY NEW BOSS IS MY SON's FATHER(New version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon