CHAPTER 15

37.2K 654 8
                                    

NAT POV.

Tulala parin ako ngayun kahit ok na si nathan.Siguro dahil sa truma.Hindi pa rin nagigising si nathan.Napabuntong hininga nalang ako. Tiningnan nila akong lahat. Nandito narin si Sasha si mommy si kuya niko ..at si harry na nasa tabi ko.

"Siguro anak umuwi ka muna at magpahinga ...kami na ang bahala kay nathan ." sabi ni mommy saakin .Nakayukong tumango ako siguro kailangan ko ring magpahinga . Dahil nahihirapan parin ang utak ko mag proseso hanggang ngayun.

"Hatid na kita ." Alok ni harry

Umiling ako habang nakayuko.  "Hindi na kailangan...gusto kong mapag isa."   

"Sigurado ka ??" tumango ako at lumabas ng kwarto ni nathan. Hanggang ngayun nahihirapan parin akong huminga.

Yung feeling na gusto ko uling umiyak para lumabas lahat ang sakit sa dibdib ko pero ayaw lumabas ng luha ko. Isang basket na ng sibuyas ang nahiwa ko pero kahit isang butil ng luha ay walang lumabas galing mata ko. Madhid na ba ako ?

 Umuwi muna ako sa condo ko para makapagpahinga pero hindi rin naman ako makatulog paulit-ulit ko nakikita si nathan kahit saang sulok ng condo ko na naliligo sa sarili niyang dugo .

Parang sasabog na yung dibdib ko hindi ko na kaya ...

Pumunta ako sa puntod ni daddy .Umupo ako sa damo at tiningnan lang yung libingan niya.

"Daddy sabihin mo nga saakin kung paano ko nakaya nung namatay ka ?? Hindi ko na kasi maalala eh...sabihin mo nga saakin dad ?!.. daddy di ko kaya---...,di ko kayang mawala si nathan . Ang sama- sama ko daddy dahil sakin napahamak ang anak ko !!!" sa wakas tumulo ang mga luha na kaninay ayaw lumabas.

Napahamak ang anak ko ng dahil saakin. Ako dapat ang sisihin sa lahat. Anong klasing Ina ako??

"Natatakot akong tingnan uli si nathan daddy.." umiiyak kong sabi ng biglang umulan ng malakas ngunit hindi parin ako umaalis sa pwesto ko.

Harry pov.

Nawawala si nat. Hindi namin alam kong saan siya hahanapin kasi wala siya sa condo at bahay niya. Pano kong hanapin siya ni nathan ? ano sasabihin ko sa anak namin ? na nawawala ang mommy niya ?Napa upo ako sa gilid ng hinihigaan ni nathan. 

"Paano magising si nathan na wala si nat ??" worried na tanong ni Sasha.

Tiningnan ko ang anak ko na nakahiga. Nagulat ako ng unti- unti siyang dumilat.Nilibot niya muna ang paningin niya sa buong kwarto at may hinahanap. 

"Tatawagin ko lang si doc .!" Patakbong umalis si Sasha

"Mommy....nasan po si mommy ??" mahina niyang tanong. Hinawakan ko ang ulo niya at hindi makasagot.  





SHORT STORY Y- 2014

MY NEW BOSS IS MY SON's FATHER(New version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon