ul1 CHAPTER FOURTEEN

851 8 0
                                    

CHAPTER 14

[Gold’s POINT OF VIEW]

Bakit ba ganito ang nararadaman ko? nagseselos ba ako? Noong una kong makilala si Trishia ay, may naradaan na akong kakaiba sa kanya na parang gusto ko siya, katulad ng naradaman ko kay Angel, pumunta ako sa Quarter Moon habang natutulog si Mary, binababa ko ang bintana ng kotse ko , dahil nakita ko si Trishia,  nakita ko ang ngiti sa kanyang mga labi, it was PRICELESS smile, sila na kaya ni River? Bababa sana ako ng kotse pero napag-isip kong huwag nalang, huwag ko nalang silang pakialaman o kaya’y istorbohin dahil sino ba ako para sirahin ang moment na yan?

Pinaandar ko yung sasakyan at bumalik na sa C. Heights.  Pagtapak ko sa pinto ay gising na pala si Mary.

“San ka galing?” Bumugad saakin si Mary habang napasuklay siya sa buhok niyang mahaba, halatang nakainom.

“Sa labas lang”

“Ah- Gold! Salamat sa pagsama saakin ah”

“Walang anuman yun”

“Immmm Homeee!” sabay kaming nagulat sa sigaw ni Silver habang nakangiti, agad ding nawala yung ngiti niya ng nakita nya si Mary.

“Oh- Mary! The zipper queen, welcome sa bahay ko” nilahad niya yung kamay niya sa hangin na parang baliw.

“Hi po, pasensya na naka-idlip po ako sa bahay mo, aalis na din po ako”

“We-wait lang, di naman kita pinapaalis eh, dito ka muna” nakataas ang kamay ni kuya at naamoy ko ang alak ng papalapit sya kay Mary.

“Silver, lasing ka?” tanong ko pero nakabungisngis lang siya, at akmang yayakapin si Mary, pipigilan ko sana pero agad nyang sinunggban ng yakap si Mary. Nagulat siya sa ginawa ni kuya

“Tss Silver! Bisita natin si Mary!”

“Salamat sa yakap ha, Mary, the beautiful zipper queen, adios amigo antok na ako” nagpagewang gewang na lumakad si silver hanggang nakapasok na sa kwarto niya, rinig pa naming may nabangga o bumagsak siyang gamit kaya naman pinuntahan namin at laking gulat naming naka halindusay siya sa sahig.

“Iinon-inom kasi ng hindi naman kaya!” sigaw ko habang nakangti itong kapatid ko, mokong talaga, ano ba naman? Nag break ba sila ni Athena?

“May problema din yan sure ko lang” naka tayo si mary sa pinto habang napapatawa.

“Ikaw Gold, nalasing ka na ba ng ganyan?” nako? Ako? Hindi pa ako nalasing ng ganyan, kahit pala inom ako noon ay never pa akong umuwi ng gumagapang at never pang nag uwi ng babae.

“Never pa” binuhat ko na si silver sa kama niya, at walang ya tol! Ang bigat.

“Ihatid na kita sa 26th” hinatid ko si mary sa 26th habang naglalakad sa , nasalubong namin si Trishia, nakangiti at mukhang inlove na inlove.

“Trishia!” sigaw ni Mary, nagyakapan sila at parehong nakangiti, nilagay ko nalang yung mga kamay ko sa bulsa ng pantalon ko. Habang nakatingin sa kanilang dalawa.  Mga babae talaga.

Book 3: He's Hiding His Feelings 1 (COMPLETE)Where stories live. Discover now