6 ~EDITED FINAL!~

310 1 0
                                    

CHAPTER 6

*** Gold’s POINT OF VIEW  

Mabuti nalang at agad na bumaba ang sinat ko after ng tatlong inuman ko ng gamot, 8PM na ng gabi at hinihintay nalang sila Mommy na mag sign for my discharge. Pinauna na naming si Bronze sa condo para utusang magluto ng kanin, oo marunong kami magluto ng kanin at mga ulam tinuruan kasi kami ni mommy dahil dapat daw, alam namin.

“Kumusta hijo” tanong ni dad nag okay sign ako “Good!”

Naka wheel-chair akong pinasok sa kotse, kaya ko namang maglakad pero mas mabuti na daw yun, kaso para lang nga akong kawawa. Nadaanan ko yung Nurse na nakaaway ni Mary kanina at napatawa lang si Silver ng nakita niya din yung babae, nasuntok ko siya sa braso.

“Why are you both laughing?” sabi ni Mom, umiling lang kaming pareho sabay tawa.

Nasa back seat ako habang naglalaro sa cellphone ko, biglang nag pop-upyung number ni Miss. Betty, Miss. Betty na ang tawag ko sakanya, papanindigan ko.

“Babe, why are you absent? I feel bored tuloy kanina”

“I was confined”

Di na siya nagreply. Pero napagisip-isip ko na, sana tumigil na siya dahil mag seseryoso na ako sa pag-aaral. Joke ba yan? Mahirap na, baka ma temp akong gawin ang mali. Joke nga.

Nang nasa condo na kami, nagluto si mom ng favorite naming sinigang na baboy. Complete family kaming kumain, at sa isang kwarto lang kami natulog, sana may sakit nalang ako palagi para kompleto kami. Pero biro lang, atlis, they care about me. Thankful na ako dahil isang araw lang naagapan agad ang sakit ko, at bukas, tiba tiba nanaman ako.

Nagising akong wala na sila, dahil siguro pumasok na school, pero nasa kusina lang pala naguumagahan at nagtatawanan pa.

“Oh- gising na si Gold!”

“Buti nakahabol kapa, naglalaway ka kanina brad, wanna see your video?” tawa nilang apat nila Mommy at Daddy. Tumalon ako para kunin yung cellphone niya, pero joke lang pala nila yun. Kumain ako at naligo na ng medyo mainit na tubig, wohoo, I feel fresh. Hinatid ako ni Kuya sa classroom, baka daw kasi matumba ako, pero I feel gay huh? Hinatid pa talaga ako.

“Hi misses!” bungad ko kila Mary at Trishia. Kinamusta ko sila at mabuti naman ay okay na din sila, ang saya namin sinabi ng isa naming classmate na wala si Sir.Octano kahapon. At wala ding klase ng hapon dahil may mass.

“Sa C.Heights na din nakatira si Mary” sabi ni Trishia, with her smiley face.

“Wow, magkaka-kapit bahay na tayo! Don’t worry sa pamasahe, sabay sabay na tayo uuwi!” pag prepresenta ko, kasi first time lang ako nagkakapit bahay ng kaklase.

“Ah- mag ambag nalang kami sa gas, nakakahiya naman”

“Osige kayo bahala”

“Oh my gee, si River!” napahawak pa si Trishia sa kamay ni Mary, nagulo tuloy yung drawing ni Mary na isang kalbong lalaki. Kalbo? What? Si River din yun ah! Pati sa drawing kinababaliwan siya.

“Uyyy- ay, magkasunod sila ni Gail” biglang nawala yung ngiti ni Trishia, at naka pout nalang habang nagdo-drawing ng heart tapos may zigzag sa gitna. Arts day ba ngayon? Bakit parang lahat ata nagdo-drawing. Mag drawing nga din ako. Pero hahaha, stick drawing lang ang alam ko.

Bagong teacher ang dumating, Subject: College Algebra Instructor: Matabang babae na malaking eyeglass medyo may edad, at kamukha si Dora the explorer dahil sa bangs niya at buhok, at nakabagpack pa.

Book 3: He's Hiding His Feelings 1 (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon