ul1 CHAPTER SEVENTEEN

745 7 0
                                    

CHAPTER 17

[GOLD’s Point Of View]

“Silver, anong oras ka uwi, bili ka nga ng maiinom, shot tayo sa condo mo – may ipapakilala ako sayo Silvs, (singit ni Mary sino ipapakilala niya?) sino? Si Trishia, di pa niya kilala”

“Pauwi na ako sige bibili ako, itext niyo yung gusto niyong ipabili”

Tinawagan ko din si Bronze pero di niya sinasagot, baka nasa babae nanaman niya at gumagawa ng milagro.

“ah sakit ng ulo ko o.o” nakapikit siya ng pagbukas ng pinto at nagulat siya ng nakita niya si Mary “Nako, Mary wala akong kasalanan diyan, mabait ako, kahit tanungin mo kay Gold!” turo niya saakin, napatawa kami at binato ko siya ng unan sa sofa. Halatang nakainom

“Aray!” tatakbo n asana siya papunta sa kwarto niya pero hinarangan namin ni Mary, si Trishia, halatang nagtataka ang mukha pero natatawa sa pinag gagagawa namin.

“Ang laki ng kasalanan mo kay Mary ah!” hinampas ko siya ng unan pero patawa at pinaupo siya sa sofa, nakapamewang si Mary, pero niyakap agad ni Mary si Bronze.

“Salamat ah!” sabi ni Mary, napatitig ako kay Trishia at napakindat, tumawa siya, ang ganda niya.

“I’m hereeeeeee!” sigaw ni Silvestre, ang kuya kong mokong, itinaas pa talaga yung pinamili niya at agad nag bukas ng malamig at masarap na SMLight.

“Walang hard?” sabi ni Mary, na siyang ikinagulat ni Silver at Bronze, pati na din si Trishia.

“Ah- Meron! Meron!” pumunta si Silver sa kwarto niya at naglabas ng isang black label na alak.

“Jack Daniel’s for miss ZIPPER! Oh matagal kong tinago yan ah, wait ano nga palang occasion?” miss Zipper nanaman? Di pa bam aka move on to?

“Move on party at isang linggo nalang semestral break na!” sigaw ni Mary.

“Sinong mag mu-move on? Ito ba?” yakap niya kay Trishia, siya namang hampas ko ng unan.

“Walang wine?” sabi ni Trishia, ng ikinagulat ulit ng dalawa.

“Ah- meron! Meron!” bumalik si Silver at andami palang naka stock na alak sa kwarto niya.

“Maria Clara for—“

“Ah, Silver si Trishia, Trishia si Silver, mga kaklase ko, at yun si Bronze”

“Trishia” napatango siya at mukhang type niya, gag* tol akin yan.

Nagsimula kaming naginuman, grabe lumaklak itong si Mary, hard pag dating sa alak, at si Trishia naman, more on pulutan. Katabi ko si Trishia at minsan kinakausap ko siya.

“Ang kulit ng mg kapatid ko, pagpasensyahan muna”

“Ah, ang cute niyo nga eh, halos magkakamukha kayo, singkit lang nga kayong dalawa ni Bronze, at haha, ang mamahal niyo”

Book 3: He's Hiding His Feelings 1 (COMPLETE)Where stories live. Discover now