Chapter Thirty-Three: Day Two Morning

4.8K 155 16
                                    

2:30 am pa lang gising na ko. Bumaba na ko para tingnan kung gising na sila. Pero pagdating ko sa baba wala pang tao. Pumunta muna ko sa kusina. Binuksan ko yung ref at kumuha ng tubig.

"Kelan pa kayo kinasal ni Jaiden?" Nagulat ako kaya lumingon ako.

"Huh? Ah...eh...nung..." Shocks kelan ba? Eh hindi nga kami kinasal eh.

"Bago magtwo years old yung kambal namin. June 20." Lumapit sakin si Jaiden at niyakap ako mula likod. "Gising ka na pala hon. Di mo man lang ako ginising." Sabay kiniss nya ko sa cheeks.

"Talaga Jaiden? June 20? Okay." Umalis na sya.

"Bakit mo ba ginawa yun?"

"Bakit? Eh asawa naman kita diba? *wag kang maingay baka di pa yun umaakyat* (Bulong nya sakin)"

"Ewan ko sayo!"

"Hon na~"

"Nagaaway ba kayo?"

"Hindi po tita. Ganyan po talaga kami maglambingan. Di ba hon?" Niyakap nya ulit ako mula likod at kiniss sa cheeks.

"Hmm."

"Ganun ba? Ang sweet nyo naman."
Ayos ah. Paraparaan

Tapos nauna na kong umakyat sa kwarto para tingnan kung gising na si Jaecia at Yohann. 3:30am umalis na kami ng bahay para pumuntang airport. Sobrang excited lahat kahit yung reunion nila kulang pa din. Wala si Ate Jae at Kuya Yuan eh, nagout of the country kasama yung dalawa nilang anak. Almost 1 hour lang naman yung duration ng flight, exclusive plane kasi ng resort yung sinakyan namin. Tapos 1 hour and 30 minutes shuttle ride para makarating sa town port. Pagdating namin dun nagkasundo naman ang lahat na magstop muna for one hour or half.

"Hon, CR lang ako ha? Ikaw Jaec?"

"No Mom. I'm okay." Maikling sagot lang ni Jaecia.

"Sige hon. Balik ka agad." Sagot naman ni Jaiden at nagnod lang ako.

Pumasok ako ng CR. Wala naman masyadong tao kahit na summer. Paglabas ko. Paleft na ko para bumalik kayla Jaiden.

"Yeowna!"
Lumingon ako. Paglingon ko nakita ko si JC.

"Yes?"

"Bakit kailangan nyong magpangap ni Jaiden kung hindi naman talaga kayo kasal at magkahiwalay kayo?"Ohmy! Pano nya nalaman?

"JC, ano bang pinagsasasabi mo? Okay ka lang ba? Kasal kami ni Jaiden at hindi kami magkahiwalay."

"Hindi? Eh bakit naengage ka kay Marion? At umuwi ka ng Pilipinas ng dahil sa break up na yun?"

O_o ⇦ me @ the moment.

"Sino bang Marion yung pinagsasasabi mo?"

Hinila nya ko bigla at pumunta kami sa may likod na part ng isang building ng mga stores. At sinandal nya ko sa pader at nacorner.

"Wag ka ng magmaangmaangan Yeowna. Alam ko lahat ng previous news sayo."

"Ano bang previous news?!"

Nilapit nya sa muka ko yung muka nya na halos naamoy ko na yung mint na hininga nya.

"Umamin ka na Yeowna. Alam mo bang lalo lang akong nagiging interesado sayo. At higit sa lahat interesadong agawin ka kay Jaiden."

Trinay ko syang itulak pero walang nangyari. Lalo lang nyang nilapit yung muka nya na nagpapikit sakin.

"Wag mo kong piliting maging interesado sayo. Baka di ko mapigilan yung sarili ko maagaw kita sa asawa mo."

Binitawan nya na ko at tumalikod pero hinarap nya din ako agad.

"Wag mo ng tangkaing sabihin kay Jaiden na may alam ako. Baka magpakita ako ng motibo sa harap ng pamilya ko at sabihin ko ang mga nalalaman ko. May mga evidence ako Yeowna. I like you Yeowna. Wag ka na ding magtaka kung may number mo na ko."

Pagalis nya bigla kong hinawakan yung dibdib ko na parang hindi ako makahinga. ☆Ano bang gagawin ko? Dumagdag pa sya sa mga proproblemahin ko? Isang pagkakamali ko lang malalaman ng lahat ang totoo.
Naglakad na ko pabalik kayla Jaiden.

"Hon, ang tagal mo naman."

"Wala. Medyo sumama lang pakiramdam ko."

After nun. Umalis na kami papunta dun sa Island na pagiisteyan namin ng family nila Jaiden. 50 minutes boat ride papunta sa Island. Habang nasa boat kami, Napapansin ko naman na di masyadong nagpapansinan at naguusap si Jaecia at Yohann. Parang ang lalim ng iniisip nila. Tinext ko si Jaiden.

To: Jaiden
█ Observe Jaecia and Yohann. Parang may problema sila. Baka naguguluhan sila bakit natin ginagawa to. █

*Bzzt*

█ Don't worry kakausapin natin sila mamaya pagdating sa Island. █

The Unexpected (Completed)Where stories live. Discover now