Chapter Forty-Seven: Singapore is <3

3.8K 129 11
                                    


"Hon, good morning. Okay lang daw bang hiramin ni Thena yung kambal?" Bungad nya sakin pagkaupo ko sa kama.


"Sino si Thena? Bagong babae mo?"


"Sus. Hon wag ka masyadong selosa ha? Pinsan ko yun. Paguumuwi sya ng Pinas si Jaecia lang nakita nya. Eh laging kwenikwento ni Jaecia si Yohann. Kaya gusto nyang makasama yung kambal sa 3days trip natin dito. Kaya din ako nakakuha ng discount dito. Sales manager sya eh."

"Sige lang hon. Okay lang sakin. Basta dito pa din sila matutulog."


"Oo naman hon."


"Sige inaantok pa ko eh." Humiga ulit ako at humarap sa kabilang side. Kiniss nya ko. Nakatulog pa ko ng matagal.


"Hon, 11am na oh. Nagugutom na ko. Kain na tayo dali. Tapos punta din tayo sa Universal Studio."


"Hmm. Sige." Bigla ko na lang sya niyakap.


"Hon, bakit? Sila Jaecia pala sinundo na ni Thena."

"Wala. Masama bang yakapin ka?"


"Hindi naman. Iba kasi eh. Parang may mali talaga."


"Ha? Gutom lang yan."


Nagshower ako at nagpalit. Ganun din ginawa ni Jaiden. Tapos kumain na kami sa Sky on 57. Oo okay kami pero yung gastos syempre kanya kanya pa din. Yung tour nung dalawang bata sa Hong Kong share kami sa gastos pero yung accommodation namin sagot ko. Sa airfares share ulit kami. Pero sa accommodation dito sa Singapore sakanya. Share naman ulit kami sa tours nung dalawang bata. Pero may mga time na nanlilibre talaga sya at kahit anong pilit mong bayaran mo sya ayaw nya. Wala eh doctor. Mayaman. Hahahahaha
Pagdating namin ng Universal Studio may naisip si Jaiden.


"Hon. May dare ako sayo. Sasakay tayo ng 3 rides. Una sa canopy flyer, pangalawa Enchanted airways at ang pangatlo sa Battlestar galactica." Sabi sakin ni Jaiden.


"Sige. Pero seryoso ka dun sa last? Nakita mo na ba yun?! Gusto mo na bang mamatay?!"


"Kaya nga dare eh."


"Anong kapalit paghindi ko nagawa yung last?"


"You'll gonna marry me now."


"What?! Ganun katindi yung kapalit pagdi ko nagawa yung last. Para mo na ring sinabing ibigay ko sayo yung buong buhay ko."


"Sabi mo kanina sige diba?! So deal na to ha?"


"Wait lang ang daya naman. Kanina kasi hindi ko alam na may kapalit pala. Bakit ganun kasi pagdi ko nagawa?!"


"Lahat ng dare may kapalit. Para gawin mo."


"Deal!"

"Walang bawian?"


"Oo, Walang bawian. Buhay ko nakataya dito eh."


Natawa sya bigla.
Sumakay kami sa canopy flyer. Wala pa naman masyadong thrill di pa din masyadong nakakahilo. Pagbaba naming ng canopy flyer kinausap ko ulit si Jaiden.


"Hon? What if isa lang gagawin ko?"


"Hmmm. Isa lang? Sure ka?" (^.^)

The Unexpected (Completed)Where stories live. Discover now