Chapter Thirty-Six: Second day on Island

4.3K 148 16
                                    


*Bzzzzt*

Nagising ako sa vibrate nung phone ko na nasa ilalim ng unan ko. At paggising ko naramdaman kong nakayakap sakin si Jaiden. Umikot ako para hindi sya magising at para mabasa yung text sakin. Pero kahit umikot ako pakabila hindi nya pa rin ako binibitawan. Kaya inopen ko na yung text.

From: 092789*****
█ Good morning Yeowna. JC here. Punta ka sa west beach. Habang wala pang tao. Pagdi ka pumunta alam mo na. █

Pagtingin ko sa oras sa phone ko 5:30am pa lang. Ang aga pa!!!

Lagi na lang akong walang choice.

Kaya tinangal ko yung pagkakayakap sakin ni Jaiden at nagbihis sa CR para pumunta sa West Beach. Pagdating ko sa West Beach wala namang tao.

Pinaglololoko ba ko nun?!

"Good morning!" Biglang may naglagay ng Jacket sa balikat ko.

"Good morning."

"Coffee?" Sabay taas nya nung isang basong hawak nya.

"Sure. Thank you. Ang aga pa ah." Inabot nya sakin yung isang mug.

"Para wala pang taong makakita satin. Gusto mo bang may makakita satin?"

"Syempre. Wala. Ano na lang iisipin nila sakin? Pinagsasabay ko yung magpinsan kahit hindi naman."

"Ang ganda pala talaga rito no?" Pagiiba nya sa usapan.

"Oo nga eh parang sa Maldives."

"Alam mo bang nakakaingit si Jaiden. Nagkaanak sya sayo." Naisip ko na naman yung kulitan namin kagabi. Kaya napangiti ako. "Mahal mo ba sya?"

"Ha?"

"Sabi ko kung mahal mo sya."

"Noon. Oo."

"Ngayon yung tinatanong ko."

"Alam mo ba na ang pinakagusto kong gawin ngayong umaga yung maglakad dyan oh." *tinuro ko yung part nung sand na naabot nung waves* Hinila nya ko. At naglakad papunta dun sa tinuro ko. Naglakad kami na hawak hawak nya yung kamay ko. Hindi ko na lang tinanggal. Maya maya bumalik na sya ulit dun sa kinatatayuan namin bago kami maglakad sa pampang. Pero hindi pa din ako umaalis dun ang sarap kasi sa feeling nung waves sa paa.

"Sana bigyan mo ko ng chance na manligaw sayo at mahalin ka." Sabay tinuro nya yung nakasulat sa sand na I love you Yeowna. Seryoso ako.

"Bibigyan kita ng chance basta wag ngayon. Alam mong hindi pwede."

"Pero gusto kitang makasama habang andito tayo kahit ganito. Kahit patago. Kahit saglit lang. Please?"Eh pano kung mahuli? Pagyan yung sinagot ko mawawalan na naman ako ng choice. Masasaktan pa sya.

"Oo na."

"Sige na. Baka hinahanap ka na ni Jaiden." Tapos hinug nya ko. Naglakad na ko pabalik ng cottage. Pagdating ko sa cottage gising na sila Jaecia.

"Good morning Mommy. San ka po galing?"

"Good morning baby ko. Nagpahangin lang sa labas." Sabay kiniss ko sya sa noo. Ginawa ko din yun kay Yohann. "Daddy nyo?"

"Breakfast na tayo sa clubhouse." Sabi nya. Tumayo naman agad si Jaecia at Yohann na sinabayan nilang maglakad yung daddy nila. Ako nahuhuli.☆Bakit parang bad mood sya? Okay naman kagabi ah

Pagdating namin dun sa clubhouse.

"Good morning! Kain na kayo. Hindi na kayo nanhintay ng mga to. Gutom na daw eh." Sabi ni Tita Marianne.

"Okay lang po yun tita. Mukang masarap yung seafoods ah. Jaec, Yohann kain na kayo. Hon. Halika na kain na tayo." Nakasandal lang kasi sya sa pader.

"Sige na mauna na kayo."Problema neto? Sweet naman nya kahapon at kagabi? Lumapit sakin si Tita Andrea. Sabay bulong.

"Nak. Nagaway ba kayo?"

"Hindi Ma. Ewan ko dyan."

"Baka masama lang gising."

"Baka nga po."

After namin kumain nagaya na mamulot ng shell si Jaecia kaya sinamahan ko sya. Si Yohann naman gumagawa ng castle. Si Jaiden hindi sumama samin. Bad mood pa din ata.

*Bzzzt*

From: 092789*****

█ Swimming tayo sa lobster's cave. Pagdi ka pumunta. Good luck! █

Si JC talaga. Alam naman nyang hindi pwede eh.

█ Wait. Try ko. San ka? █

Nakita kong padating sila Tita Andrea.

"Ma. Pabantay naman po sila Jaecia. May hahanapin lang po akong importante."

"Sige Hija. Balak talaga naming makabonding tong dalawang to."

"Ay sige po. Thank you Ma."

Nagtxt naman si JC na nasa north beach sya. Kaya naglakad ako papunta dun.

"Alam mo naman hindi pwede di ba?"

"Bakit ka pa rin pumunta?"

"Wala kong choice eh!"

"Mag-enjoy na lang tayo. Magswiswimming lang eh." Bigla kong kinabahan sa thought na magswiswimming kaming dalawa sa loob ng cave.

"Magspeed boat na lang tayo."

"Gusto mong may makakita satin?"

"Alam mo bang nahihirapan ako? Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Lagi na lang ako walang choice." Naiyak na lang ako ng hindi ko namamalayan. Niyakap nya ko.

"I'm sorry. Pinagpipilitan ko pa kahit mahirap. Sige. Pagbalik na lang tayo ng Manila magdate."

"Bakit mo ba kasi ko pinapahirapan at iniipit sa sitwasyon?"

"Shh. I'm sorry. Gusto lang kitang makasama. Iloveyou."

"Babalik na ko dun. Baka hinahanap na ko nung mga anak ko."

"Sorry ulit."

Naglakad na ko pabalik kayla Jaecia. Pagbalik ko andun na si Jaiden.

"Mommy laro tayo nila daddy."

"Next time na lang Jaecia. Ayoko."

"Pero daddy minsan la~" hinihila nya si Jaiden.

"Jaecia ano ba?!" Biglang bumitaw si Jaecia. Nilapitan ko sila.

"Halika baby laro tayo." Hinila ko si Jaecia.

"Ayoko na mommy. Magdesign na lang tayo nung castle ni Yohann." Malungkot na sabi ni Jaecia. Kaya nagdesign na lang kami nung castle ni Yohann. Bigla namang umalis si Jaiden ng walang paalam. Maghapon syang ganun. Hindi nya ko kinakausap, nagtataka na ko. Pero hinayaan ko pa din syang ganun.

The Unexpected (Completed)Where stories live. Discover now