Ang Simula

19.9K 453 72
                                    

Chasing Don Montemayor

"Just gave up Ace, and find someone better. Adon doesn't love you, mahal niya si Shane." sermon sa akin ni Nica, na sanhi tumulo ang luha sa aking mga mata.

Mabilis kong nilagok ang alak sa baso na hawak ko. Marahan akong napa pikit ang aking mga mata sa pagkahilo at lasang-lasa ko ang tapang ng alak na iniinom ko.

Sumisikip ang dibdib ko sa sakit.

Masakit pala marinig ang katotohanan na hindi ako mahal ni Adon.

Mahal ko siya.

Lahat gagawin ko para mahalin niya lang ako, pero lahat ng pangarap ko na maging akin siya, ay hindi na mangyayari dahil may mahal na itong iba.

Engaged na siya sa long time girlfriend niya.

Bakit ganun?

Ako ang nauna, pero bakit hindi niya ako minahal?

Bakit hindi niya ako nakita?

Sana ako na lang.

Ako na lang Adon.

Tumingin ako sa kanang bahagi at nakita ko si Adon at Shane na mag kayakap at kasunod no'n nakita kong hinalikan ni Adon ang kaniyang nobya.

It kill's me, seeing them happy.

I know Im being selfish pero i can't wish the best for them.

Ang sakit sakit na, halos hindi na ako maka- hingga sa sakit na nararamdaman ko.

Gusto kong umiyak.

Gusto kong sumigaw para maibsan ang sakit sa aking puso.

Gusto ko siyang kalimutan, dahil alam ko, ako lang ang masasaktan sa bandang huli kung patuloy akong magiging ganito.

Hindi ko kayang makita na masaya sila, samantalang ako paulit- ulit na nasasaktan.

"S-Sana maging masaya kana A-Adon."
Garalgal kong sambit at nag simula ng uminit ang sulok ng aking mga mata.
"Pinapalaya na kita Adon, sana maging masaya ka sakaniya."
Mapait kong sambit at kasunod ang pag bagsak ng luha sa aking mga mata.

Sobrang sakit.

Sobrang hirap.

Hindi ko alam, na ganito ang sakit na aking nararamdaman.

Balak ko sanang ilalagok ang alak sa baso na hawak ko, pero natigilan ako ng may kamay na pumigil sa akin.

Binalingan ko ng tingin kong sino 'yon at ganun na lang ang gulantang at kabog ng aking dibdib ng makita ko kong sino siya.

Kulang na lang mapa iyak ako sa sobrang saya at sakit ng makita ko ang guwapo at misteryoso niyang mga mata.

"Adon?" Napa piyok kong sambit habang naka- tingin sa binata.

Nanatili pa din siyang naka hawak sa kamay ko, at ramdam ko ang init na pinapaso ang balat ko.

Gusto kong maiyak ng sandaling 'yun.

Sa wakas napansin niya ako.

Sa wakas lumapit siya sa akin.

"You're drunk Ace." Malagong at madiin niyang boses. Inalis niya sa aking kamay ang alak na hawak ko at marahang nilapag 'yun sa lamesa.

Chasing Don Montemayor [COMPLETED]Where stories live. Discover now