#3

3K 52 0
                                    

Hindi malaman ni Krys kung kain ba ang tawag sa ginagawa niya. Kulang na lamang kasi ay isubsob na niya ang mukha sa kinakain. Ayaw niyang makita ang mukha ni Sir Davey.

Ngunit ano bang pinorpoblema niya? Baka nga hindi naman iyon naaalala ni Sir Davey. Lasing ang taong yun kagabi, amoy na amoy naman sa hininga niya!

Pero pano nga kung naaalala nito ang mga nangyari?! Ahhhh, hindi dapat siya mag-alala ng ganito dahil siya ang inabuso! Siya ang tinanggalan ng dangal nito kagabi! Hindi dapat siya matakot, bagkus ay dapat pa nga niya itong ireklamo.

"Krys..." Napukaw ang buong sistema niya sa mala-anghel na tinig na iyon. Nabitawan tuloy niya ang hawak na kutsara. Napabuntong-hininga naman si Sir Davey bago nagsalita muli. "Kung nag-aalala ka sa nangyari--"

PUNYETA! Bakit binabanggit pa niya iyon at sa harapan pa ng walang kamalay-malay na si Sir Ken. NAKAKAHIYA LANGYA!

Dali-dali siyang tumayo ng hindi pa rin tumitingin sa kahit kanino. "Ma-maghuhugas na p-po ako ng plato. P-pakidala na lang nung iba." Kinakabahan pa niyang saad bago umalis. Ngunit hindi pa siya nakakadalawang hakbang ng magsalita si Sir Ken. "Uy gurl! Ako nakatoka ngayon."

Nagpapasalamat siyang gumagana pa rin ng mabilis ang utak niya kaya nasabi agad niyang papalitan niya muna ito. Operation alis sa lamesa, check!

NATAPOS na niyang hugasan ng mabagal na mabagal ang nag-iisa niyang plato ng saktong dumating si Sir Ken. Akala niya ay naghatid lamang ito ng mga plato ngunit nagkamali siya ng magsuot ito ng apron.

"Ako na dito! Ako naman talaga ngayon." Nginitian na lamang niya ito pero hindi siya umalis sa tabi nito sa harap ng lababo. Wala siyang balak lumanghap ng hangin na nilalanghap ni Sir Davey.

"Ayos kang babaita ka ah hahahaha. March na pero naka-turtle neck ka pa rin." Tatawang-tawa na banggit nito patungkol sa outfit ng dalaga.

Hindi naman nakasagot agad si Krys. Ano naman ang sasabihin niya? Dahil may mga pula-pulang mark sa leeg niya na mukhang nakakahiya na malamang sa alamang nanggaling kay Sir Davey? Hindi niya ipapahiya ang sarili ng ganon!

"Hmm... Parang I smell something fishy ah!" Bago pa man niya namalayan ay naibaba na ni Sir Ken ang leeg ng turtle neck niya. "Sir!" Ngunit mabilis din naman niyang naiangat muli.

"Kaya naman pala halos magkapalit na kayo ng mukha ng pagkain mo maka-iwas ka lang ng tingin kay Davey. At kaya din pala iba ang atmosphere niyo kanina. May nangyari naman pala talaga!" Tatango-tango nitong pagkukumpirma. "So, umabot na ba sa home base si bakla?"

"Po?" Ano yun?

"Hahahahahahahah wala. Hay nako! I knew this day would come!!" Kinikilig pa ata si Sir Ken. "Kung ako sayo gurl, di nako magpapabebe at susunggaban ko na yan si Davey!"

"Ahmm... Hindi ko po ata kayo nasusundan Sir..?"

Ginulo ng binata (o dalaga?) ang buhok niya sa huli nitong sinabi. "Oh you will girl. You will."

Don't Even Know How (gayxgirl) - ONE SHOT [COMPLETED]Where stories live. Discover now