#4

3.6K 62 19
                                    

Iniisip pa rin ni Krys ang mga sinabi kanina ni Sir Ken niya. Ano naman kaya ibig sabihin ni Sir doon? Hmm...

Bigla lamang siyang bumalik sa kasalukuyan ng may narinig na naman niya ang malambot na pagtawag sa pangalan niya. Hindi na siguro siya masasanay sa boses nito, lagi kasing may kaka-ibang epekto ito sa kanya. At ang lalim na din pala ng pag-iisip niya, ni hindi na niya napansing  nasa harap na niya  si Sir Davey.

"Look, I just wanna say I'm sorry about last night-"

Last night... parang biglang siyang nabuhusan ng malamig na tubig at napatayo agad. Unti-unti ng nagpa-panic si Krys. Bakit ba naman kasi wala ng ibang lumalabas sa bibig ni Sir Davey kundi yung nangyari kahapon... Jusko! Ayoko na nga maalala eh. Ang hirap kumilos na parang dati.

"Wala na po yun Sir! Oks na ko hehehehe. Sana kayo din po, oks na." Ang pinaka-pekeng ngiti na niya siguro ang pinapakita niya ngayon. "Sige po, una nako." Mabilis siyang tumalikod at naghahanda ng tumakbo ng mabilis din.

Ngunit di niya inaasahang mas mabilis pala sa kanya si Sir Davey. Nahawakan na agad nito ang braso niya at mahigpit siyang niyakap mula sa likod. OMG! OMG! OMG! 

"Hindi mo naman ako pinapatapos eh. Nagso-sorry ako sa nangyari dahil mukhang hindi mo ito nagustuhan pero sa maniwala ka man o hindi, hindi ako naiinis sa nangyari... Gusto ko ang bawat segundo kagabi." Parang may naririnig si Krys na pagmamakaawa sa boses ni Sir Davey. 

Pagmamakaawa na paniwalaan niya ito? Bakit naman? Ayos lang naman sa kanya kahit sabihin nitong lasing lang ito kay nangyari ang di dapat mangyari. At least kapag ganoon, mas madali siguro siyang matatauhan at babalik sa dati niyang gawi. Hindi katulad nito na hindi na niya masundan ang mga nagaganap. O pinapaniwala ko lang sarili ko na hindi ko alam kung ano ito?

"Ho? A-ano ho?" Napaharap siya dito dahil sa mga sinabi nito. Anong nagustuhan? Bakit nagustuhan? Kelan pa nagugustuhan ni Sir Davey ang mga ganoong bagay sa mga babae? 

Ngunit bago pa man siya tuluyang makaharap sa boss niya ay pinatalikod ulit siya nito kasabay ng pagtakip sa mga mata niya. Ang isang kamay naman nito ay nakayakap ng mahigpit sa mga braso niya kaya hindi niya maibababa ang pagkakatakip sa mata niya. Nararamdaman niyang nag-iinit na ang pisngi niya sa posisyon nila ngayon. 

"Wag mo ko tingnan, please. Nakakahiya to... Hindi ko alam kung sa ganitong paraan ba talaga dapat ito sabihin pero bahala na." Anong sasabihin? "I like you, Krys. I really do. Kaya nga napalayas kita noon kasi nalilito nako sa sarili ko. Akala ko lilipas lang din to kapag di kita nakita ng ilang araw pero hindi eh... Lalo pa ngang tumindi nung bumalik ka. Hindi ko na tuloy napigilan ang sarili ko. Pati sarili ko pinaniwala kong dahil lang sa kalasingan kaya yon nangyari kahit na alam ng buong sistema ko ang pakiramdam ng katawan mo sakin."

"S-sir..." Ayaw pa rin ma-process sa utak ni Krys ang mga sinasabi nito. 

"Say David." Ang tanging sagot nito bago mainit na humalik sa kaniyang leeg.






-END-

Don't Even Know How (gayxgirl) - ONE SHOT [COMPLETED]Where stories live. Discover now