To Boracay

29 2 0
                                    

Chapter Eight

“Andyan na ba lahat ng mga kailangan mo?” Tanong ni Aling Grace habang naghihintay ng magsusundo kay Joy sa NAIA Terminal 3.

“Oo nga ate, nandyan na ba ang mga swimsuits na binigay ko sayo?” Dagdag naman na tanong ni Obet.

Napabuntong hininga na lang si Joy sa tanong ni Obet. “Andito na lahat ma.” Sagot ni Joy sa ina bago binigay ang pansin sa kapatid. “At oo, nagdala ako ng swimsuits na binigay mo, pero dalawa lang ang dinala ko.”

“At bakit naman dalawa lang? Kulang pa nga yong limang binigay ko tapos dalawa lang ang dinala mo?” Shock na sambit ni Obet. “Ate naman! Paano ka makakahanap ng jowa dun dalawa ang dinala mo?”

“Obet, trabaho ang pinunta ko sa boracay at hindi maghanap ng love life.” Pinandilatan ni Joy ang kapatid.

“Pero naman ate…”

“Obet, tama na yan.” Saway ni Aling Grace. “Tama naman ang ate mo, trabaho ang pinunta niya at hindi paglalandi kaya eh tigil mo na yan.”

Napanguso na lang si Obet at inirapan ang Ate niya.

“Syaga pala Joy, sino ba ang magsusundo sayo? Kanina pa tayo dito pero wala naman susundo sayo? At tsaka nasaan na ticket mo? Baka nawala mo ha!? Naku! Wala pa naman tayong pambili ng ticket ng eroplano.” Nag-alalang sambit ni Aling Grace.

“Ma.” Hinawakan ni Joy ang ina sa balikat. “Maaga tayong dumating kaya wala pa talaga ang sundo ko at sasakay po ako sa private plane sabi ni Sir Albert kaya wala pong ticket yon.”

“Ah ganun ba? Anong oras ka ba susundoin ha?”

Napatingin si Joy sa relo niya. “9 raw sabi ni Sir Albert, 8:55 na, so mga konti hintay pa at andito na yon.”

Tahimik silang naghintay ng bilang hinablot ni Obet si Joy. “Ate! Ate! 

“Ano ba Obet! Ba’t hablot ka ng hablot ha?!” Saway ni Joy sa kapatid.

“Ate! Ate! Kasi! Look oh!” Tinuro ni Obet ang isang lalaking naglalakad palapit sa kanila. “Hindi ba yan si Kuya August your love so sweet?” 

“Oo nga Joy! Si Andrew este si August nga oh.” Segunda naman ni Aling Grace.

Joy was rendered speechless as she stared at August walking to them with all of his wholeness and handsomeness. August smiled and wave at them and Joy’s heart skip a beat and then suddenly it just pounded double time in her chest.

“Ano kaya ang ginagawa niya dito?” Bulong ni Joy sa sarili.

“Hello Kuya August!” Masayang bati ni Obet sa binata. 

Napangiti si August kay Obet. “Hello Obet --”

“OMG! He remembers me! This only means that we are meant to be!” Malanding sambit ni Obet na halos kumapit na sa braso ni August.

Sinapak naman agad ito ni Aling Grace sa ulo. “Hoy! Maghunosdili ka nga Obet, nakakahiya kang bata ka.”

Pinandilatan nito si Obet tapos mahinahon na nagpa-umalhin kay August. “August, pasensya ka na dito kay Obet ha, minsan kasi talagang tinutupak ng kabaklaan niya. Ano pala ang ginagawa mo dito? May flight ka rin ba?”

“Siguro, kaya nga siya nandito sa airport diba?” Pilosopong sagot ni Obet sa kay Aling Grace at nakatanggap naman ulit ito ng isang sapak sa ina. “Aray Mamita ha? Mabubukolan na ako sa ginagawa niyo. Kayo din paghindi niyo tinigil yan papangit na ko nito sa pageant ko next week, hindi na ako mananalo, at wala na akong ibibigay na pera pang mahjong niyo.”

Pagkasabi ni Obet ay agad naman siyang niyapos ni Aling Grace. “Ai, grabe ka naman anak. Maganda ka pa rin naman kahit may bukol tsaka matatago din yan sa wig. At dapat kang manalo sa pageant na yon kasi pumusta na ko sayo ha?! Tandaan mo yan.”

The Color of HappinessWhere stories live. Discover now