"Anong buong pangalan mo?" tanong ko habang nakasandal sa dibdib ni Simoun.
Pagkatapos namin kumain ay gusto niya akong magpahinga kaya nandito kami ngayon sa kwarto. Hindi ako makatulog kaya hinila ko siya at ngayon ay ganito ang ayos namin.
Nakaupo siya at nakasandal sa headboard habang ako naman ay nakasandal sa kanya. Nakapulupot ang matigas niyang mga braso sa bewang ko at pinaglalaruan ang aking mga daliri.
Nang hindi siya sumagot agad ay iniling ko ang ulo para matingnan siya nang maayos. Tumingin din siya sa akin gamit ang mapupungay na mga mata.
"Simoun Alvear," sagot niya.
Napangiti ako. "Wala kang second name?"
"Wala." Naramdaman ko ang pag-iling niya at matapos ay humalik sa tungki ng aking ilong. "Ikaw?"
"Eleanor Quinn Castellejos," pagyabang ko. "Ganda 'no?"
Hindi sumagot si Simoun pero humalakhak siya nang bahagya. Gusto ko mapabuntonghininga sa tunog na 'yon. Bakit pati halakhak niya ang sarap?
"Ilang taon ka na?" sunod na tanong ko.
"Twenty-nine," sagot niya.
Suminghap ako. "Talaga? Mas matanda ka sa akin ng six years."
Napanguso siya nang bahagya. "Hindi mo ba gusto?"
Hindi ako nakasagot agad dahil nag-umpisang magbilang ang uta ko. I think my silence made Simoun uncomfortable. His body shifted against me. Nakuha no'n ang atensyon ko.
"Anong iniisip mo?"
"Naisip ko kung anong mangyayari kung dati tayo nagkakilala. Elementary pa lang ako nung highschool ka," nakahagikgik kong sabi. "Tapos fifteen naman nung nagtapos ka na ng college. Papatulan mo kaya ako?"
Simoun grunted and closed his eyes like he was in pain. "Ang bata mo pa no'n, Ellie."
"Maaga akong nag-mature 'no. Nagka-boyfriend nga ako ng college student nung sixteen pa lang ako." Umirap ako sa kanya.
"Dapat ba akong matuwa?" tunog sarkastikong tanong ni Simoun.
His tone made me stare at him. It doesn't sound like something that he'd say. Then I remembered that day at the woods... Naalala ko kung paano siya magselos.
I bit my lip to stop myself from laughing over that memory. Matalim pa rin ang titig sa akin ni Simoun. Halatang hindi pa rin siya masaya sa nalaman mula sa akin. Hmm... Parang gusto kong pagselosin siya ulit. I want the merciless beast who took me against the tree to come out and play.
I dreamily sighed to catch his attention. Nag-iwas ako ng tingin na para bang nagbabalik-tanaw sa isang napakagandang alaala. "Naalala ko pa ang pangalan niya. Si William. Galing sa mayamang pamilya kaya galante kapag may date kami. Lagi pa akong binibigyan ng regalo."
Hindi nagsalita si Simoun. Pa-inosenteng sinilip ko ang mukha niya para makita kung na-apektohan ba siya sa sinasabi ko. His jaw was clamped shut. His eyes were piercing on my face.
I brightly smiled to annoy him. "First kiss ko siya. Siya ang nagturo sa akin kung paano humalik. Magaling siya magturo. Sobrang sarap-"
Marahas na suminghap si Simoun at hinila ako pataas. Kasabay nito ang pagyuko niya para maabot ang mga labi ko at siilin ito ng isang malupit na halik.
"Tumigil ka." Tumama ang mainit niyang hininga sa mukha ko dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Nag-aalab ang maiitim niyang mga mata habang nakatitig sa akin.
Humalakhak ako. "Ano? Kinu-kwento ko lang naman kung gaano kasarap-"
Muli akong pinatahimik ni Simoun gamit ang mga halik niya. Marahas 'yon at hindi nagtagal ay lumalim. Napapikit ang mga mata ko at naramdaman ang isa niyang kamay na humawak sa mukha ko. His hand was gently squeezing my face as if he doesn't want me to escape. Ang isa ay nakasuporta sa likod ko at hawak ang braso ko. Talagang wala akong kawala.
YOU ARE READING
One Lie
RomanceDahil sa panganib sa buhay ni Ellie, napagpasyahan ng Papa niya na ipadala siya sa Bayan ng Dos Hermanos para ilayo mula sa mga gustong manakit sa kanya. Being used to the city life that offers fun and boy toys, she wanted something that can help he...
