Chapter Twenty-Four

72.7K 2.2K 360
                                        

Kanina pa ako gising pero hindi ko magawang bumangon mula sa kama. My eyes remained staring at the white lilac painted ceiling. Nakakagulat nga na wala pa itong butas dahil sa pagtitig ko rito.

Nang makaramdam na ng tawag ng banyo ay tsaka ko lang naisipan bumangon. According to the sunburst mirrored clock that was plastered on the wall, it's only six in the morning. Masyado pang maaga. 

Nine o'clock ang pasok ko kaya seven ako gumigising para makapag-ayos. Hindi ako kumakain ng breakfast sa condo dahil wala naman akong oras para magluto. Kung hindi magbabaon ng sandwich ay dumadaan ako ng drivethru. O kaya ay magpapabili ng pagkain sa court runner pagkadating sa office.

Alam kong hindi na ako makakabalik sa tulog kaya naisipan ko na mag-jogging na lang para magpainit ng katawan at tuluyan akong magising. 

Wala akong nadatnan na gising nang lumabas ng bahay. May isang maid lang na nagdidilig ng mga halaman. Gising na rin ang guard at masiglang bumati sa akin ng magandang umaga habang pinagbubuksan ako ng gate. I'm not feeling the same enthusiasm so I just smiled in return.

Nag-stretch muna ako bago tumuloy sa pagtakbo. Malakas ang tugtog na lumalabas sa aking earphones na halos hindi ko na marinig ang sariling iniisip. Isang oras akong tumakbo. Nang tumunog na ang alarm na inayos ko kanina ay bumalik na ako sa bahay.

Nasa dining area na si Papa at umiinom ng kape. Dalawang plato ang nakahanda. May sariling bahay si Kuya Elias kaya hindi na ako nagtaka kung bakit wala siya.

Binati ko si Papa na may ngiti sa labi at niyakap bago umupo sa gilid. For some reason, this made me feel a little warm. Pakiramdam ko ay bumalik ako sa panahon bago nangyari ang lahat. If it weren't for the detailed memories and my empty chest, I would have sworn that it never happened.

"Ang aga mo yata ngayon," komento ni Papa. 

"Nasanay ako sa probinsya, Pa," sagot ko habang kumukuha ng toasted bread at bacon. 

"Are you feeling better?" he asked.

"Yup," I lied through my teeth.

Sa totoo lang ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. Hindi na kasing sakit kagaya kahapon pero alam kong may mali sa akin. Parang may sugat ka pero hindi mo lang mararamdaman na masakit kung walang sasagi.

The talk that I had with Bliss made me realize things. Tama nga naman siya. I was pot calling the kettle black.

Alam ko. Tanggap ko naman na may mali rin ako. In the first place, my intention with Simoun wasn't pure kahit na ang akala ko ay isa siyang virgin na walang kahit anong experience. He was just a past time to me then. My means only got justified because I fell in love with him. Him, on the other hand... Hindi ko alam. 

My foolish self wants to believe that he's in love with me, too, but my insecure and young heart is screaming that he only followed my whims because it made his job easier. 

Nagtagal ako sa shower dahil sa mga iniisip. Kung hindi pa lalamigin ay hindi ko mapapansin. Nangulubot na ang mga daliri ko sa sobrang pagbabad.

Nagmadali ako sa pagbihis. Dahil wala ng oras para mag-isip, plaid terno blazer and shorts ang sinuot ko with v-neck white shirt underneath. Hindi na rin ako nag-ayos ng mukha. Sa opisina na lang siguro kung may oras. 

I'm fifteen minutes behind. Normally, umaalis ako ng bahay ng saktong 8. Paniguradong late ako makakarating ng office. Siguro naman ay pagbibigyan pa ako ni Kuya Elias ngayon, given the situation.

Nagtataka ako nang maabutan si Papa sa living room. He's already dressed up. I'm more surprised when I realized that he was talking to someone.

Agad akong napahinto sa paglalakad nang makita kung sino ang kausap niya. Umuwang ang labi ko nang makita si Cain. He's wearing a simple white shirt and black pants. A silver chain can be seen on his nape but the rest of the necklace was hidden inside the shirt. 

One LieWhere stories live. Discover now