Chapter1: Only Reminds Me Of You

9K 198 43
                                    

Chapter1: Only Reminds Me Of You

I see you, beside me
It's only a dream
A vision of what used to be
The laughter, the sorrow
Pictures in time
Fading to memories

How could I ever let you go
Is it too late to let you know

I tried to run from your side
But each place I hide
It only reminds me of you

When I turn out all the lights
Even the night
It only reminds me of you...

Casey's POV

It's been five years mula nang namatay ang "puso" ko sa panloloko, panggagamit at pananakit ng taong pinagkakatiwalaan at minahal ko na si Dale. Nakatatak na sa puso ko ang pangalan na 'yan. Hindi dahil mahal ko pa siya kundi dahil nag-iwan ito ng napakalaking pilat sa puso ko na hanggang ngayon hindi pa rin maalis.

Sabi nila, time heals all the wounds. Masyado lang sigurong malalim iyong sugat sa puso ko dahil hanggang ngayon ay dala-dala ko pa rin ang sakit at ang pangako ko sa sarili na maghihiganti ako.

Sa pagkikita namin sisguraduhin kong magsisisi siya sa lahat ng ginawa niya, sisiguraduhin kong iiyak siya sa harapan ko, sisiguraduhin kong masasaktan siya ng todo at sisiguraduhin kong sa pagkakataong 'yon, sa laro ng pag-ibig ako ang panalo at siya naman ang talo.

Napabuntong hininga ako, "Ipapakita ko sa iyo kung ano ang kayang gawin ng isang babaeng nasaktan, tuturuan kita ng leksyong hinding-hindi mo na gugustuhin pang malaman! Ipaparamdam ko sa iyo lahat ng sakit. In short, I will hurt him 10 times of what he'd done to me!

I will make him suffer! I will make him pay the damages! I will make him love me then I will leave him hanging. Sasaktan ko siya katulad nang ginawa niyang pananakit sa akin. Lolokohin ko siya katulad nang panloloko niya sa akin. Papaibigin ko siya katulad nang pagpapaibig niya sa akin. Gagawin ko ang lahat para makapaghiganti lang. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko 'yon nagagawa. Papatunayan ko sa kanya na ang mga lalaking katulad niya ay dapat masaktan, na dapat silang turuan ng leksyon.

Naisip ko, why do we always love to lie? Why do we always say lies to make people around us happy? Why do we always have to lie to make things right according to our plans? And why do we always love to pretend? Why do we always act that we care if actually not? Why do we always have to pretend to make people stay?

Bakit nga ba? Is it people nature o para lang talaga mapasaya nila ang sarili nila kahit makasakit pa sila ng iba? Hindi ko kasi maintindihan. Hinding-hindi ko mauunawaan ang dahilan niya.

Kapag talaga ganitong nag-iisa ako ay bumabalik lahat ng sakit na nararamdaman ko na hanggang ngayon ay hindi mawala-wala sa akin. EMO? Hindi naman ako emo, sadyang ma-drama lang talaga ang buhay ko...sadyang masakit. Ako nga pala si Casey Leah Doreen Lee, mataba noon, payat na ngayon. Niloko noon, maghihiganti ngayon.

***

"Hoy!" "Ay anak ng palaka at kabayo!" sigaw ko. Sa gulat ko aynahulog ako sa kama ko ng pabaligtad. "Ouch!"

"Oh, Casey! Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba ha?" si Travis iyon na nag-aalalang tinulungan akong makatayo mula sa pagkakahulog ko sa lapag.

"Ay, hindi ako nasaktan, nasarapan ako, lolo! Pakiulit nga 'yang panggugulat mo nang bangasan ko na 'yang mukha mo! Lokong 'to, manggugulat ng walang paalam. Arg!" gigil ko habang hinihimas ang puwet kong nasaktan.

"Aw, sorry naman, bes. Malay ko bang magugulat ka sa akin ng ganyan. At saka may nanggulat ba na taong nagpaalam sa gugulatin niya? Edi hindi na 'yon nagulat no. Ikaw naman po kasi kung makapagdrama-rama ka sa hapon wagas kung wagas. Tsk!" umiling-iling pa ito. "So, iniisip mo na naman siya no? Aminin mo na, 'wag ka na mag-deny," pang-aasar nito na tumabi sa akin sa pag-upo sa kama.

"Tse! Tumigil ka nga sa pang-aasar mo diyan. I am tired."

"Iniisip mo na naman kasi siya, ako na lang kaya ang isipin mo. Ano sa palagay mo?" suggestion nito.

"Magandang idea iyan."

"Sabi sa iyo, ako na lang," napatawa ito sa sarili niyang biro.

"Ikaw pa ba mawala sa isip ko? Love na love kaya kita, bes!" sabi ko sabay lambing sa kanya.

"So, ano nang plano mo? Tuloy pa ba?"

Iniiwasan ko na ngang mapunta pa sa akin ang usapan pero heto't napunta pa rin sa akin. "Tsk! Oo na po, tatang tsismoso. Puwede ba 'wag na nating pag-usapan pa. Ayoko na maalala pa siya, past is past. Hindi na dapat 'yon binabalikan pa, ang dapat doon ay inililibing na sa limot...sa kaila-ilaliman ng lupa," sabi ko.

"Eh hindi ba po manang emo, sabi mo maghihiganti ka sa kanya? Paano mo naman gagawin 'yon kung kakalimutan mo na pala ang lahat?" pangungulit nito.

"Sabi ko po tatang makulit ayokong maalala, hindi ko sinabing kakalimutan ko. At saka ipinangako ko sa sarili ko 'yon, kaya itaga mo pa sa bato, sa puno pa o sa tinapay man gagawin ko 'yon. Maghihiganti ako!" sagot ko.

"Paano kung hindi na kayo magkita no'n? Hindi ba't 5 years na rin simula no'ng maging emo ka este nang mangyari 'yon? Wala ka ng balita sa kanya kung nasaan man siya o kung ano man ang ginagawa no'n, baka patay na siya!" sabi nito.

"Hindi siya puwedeng mamatay na lang! Hindi pwede 'yon dahil ako ang papatay sa kanya! Gagawin ko ang lahat ng paraan para masaktan siya at mamatay ang puso niya!"

"Kung magkikita pa kayo no'n, paano nga kung hindi mo na siya makita?" kulit nito.

"Tse! Pangontra ka naman kasi. Let the good vibes come in, pinapalayas mo kaya. Dapat ikaw 'tong lumayas dito. Tsk, think positive lang. Magkikita rin kami no'n, hindi man ngayon o bukas basta darating 'yong araw na magkikita kaming muli sa hindi inaasahang pagkakataon. Naniniwala ako roon. Period!" sabi ko na puno ng pag-asa.

"Okay, sabi mo. Pero...hindi na talaga kayo magkikita no'n. Haha!" pang-aasar nito at tumawa nang tumawa sabay takbo palabas ng kwarto ko.

"TRAVIS KRISTOFF DELOS REYES! Bumalik ka nga ritong mokong ka!" sigaw ko sa kanya sabay habol ko hanggang sa labas ng bahay.

Magkapitbahay lang kami ni Travis, kababata at bestfriend ko siya kaya wala itong pakundangan kung pumasok sa kuwarto ko ng walang katok-katok. Alam na alam na namin ang hilatsa ng mukha ng isa-t-isa. Kulang nalang ay tumira kami sa iisang bahay.

"Baliw!" Napaisip na lang ako bigla, paano nga kung hindi na kami magkita? "Ah, hindi maari!" napailing ako. "Magkikita kami ulit. Hindi puwedeng hindi."

Alam kong gagawa ang tadhana ng paraan para magbayad siya sa kasalanan niya sa akin at mas maganda kung ako mismo ang gagawa no'n sa kanya. Someday, somewhere, somehow...naniniwala akong magkikita kami.

***

D A R A N A K A H A R A

Lie to me again✔️CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon