Chapter2.2: Friend of Mine

4.5K 108 35
                                    

Chapter2.2

I've known you for so long 
You are a friend of mine 
But is this all we'd ever be? 

I've loved you ever since 
You are a friend of mine 
But babe, is this all we ever could be? 

You tell me things I've never known 
I've shown you love you've never shown 

But then again, when you cry 
I'm always at your side 

You tell me 'bout the love you've had 
I listen very eagerly 

But deep inside you'll never see 
This feeling of emptiness 

It makes me feel sad 
But then again I'm glad...

Casey's POV

Patawid na ako sa kabilang kalsada para pumunta sa building ng pinagtatrabahuhan ko nang biglang...

BEEP!

"Ouch!" nakaramdam ako ng sakit, tama? Ang ibig sabihin lang non, buhay pa ko. Napapikit kasi ako sa sobrang pagkabigla at sa takot kaya madilim ang paningin ko.

Dinilat ko ang kaliwang mata ko kasunod ang kanang mata at saka ko idinilat ng sabay ang mga mata ko.

Kinusot-kusot ko iyon, nasa harapan ko lang naman ang isang magarang kotse. Take note, 6 inches na lang as in kalahating sukat ng ruler na lang talaga at napisat na ko. Thank GOD at nakakahinga pa naman ako ngayon.

Ang ganda nung kotse kaya sayang pala kung nagasgasan ko, mukhang bago pa. Kahit harapan lang ang nakita ko, halata namang mayaman ang nakasakay dito. Patay ako nito!

"Hoy, ikaw! MAGPAPAKAMATAY KA BA?"

"Hoy, ikaw! MUNTIKAN MO NANG MABUNGGO ANG KOTSE KO AH! IPAPAKULONG KITA!" sabay hablot sa akin at dadalin ako sa presinto.

"Hoy, ikaw! BAYARAN MO 'YUNG GASGAS NG KOTSE KO!" sabay lahad ng kamay nito na nagsasabing humihingi ng pera.

'Yan ang mga nai-imagine kong sasabihin nung taong baba sa kotse. Bakit ba kasi ang tanga-tanga ko tumawid. Anong gagawin ko? Teka, eh kung kaya tumakbo na lang ako?

Tumingin ako sa kaliwa at sa kanan. Ang daming tao at sasakyan sa paligid namin. Hay nako naman! Eh kung kaya magkunwa-kunwarian akong nasaktan? Best Actress naman ako, at tsaka nasaktan naman talaga ako ng bahagya. Ang sakit kaya sa pwet.

Nabalik lang ako sa katotohanan ng may magsalita. Hindi ko siya tiningnan dahil busy ako sa pag-iisip nang maipapalusot sa kagagahan ko. Nakakakaba.

"Miss, okay ka lang ba? Anything that hurts?" tanong nung lalaki na may-ari ata nung kotse.

Hindi ko ine-expect ang mga salitang iyon sa kanya ibang-iba sa mga nabuong imahinasyon sa isip ko pero mas lalong hindi ko ine-expect ang malumanay at nag-aalalang tono ng boses nito. Pamilyar 'yung boses niya sa akin, parang narinig ko na 'yon dati. Inilahad niya ang kamay niya at inabot ko naman tsaka niya ako tinulungang makatayo. Inangat ko ang mukha ko para makita siya.

"Nothing hurts. Thank Y---" naputol ang sasabihin ko kasabay nang paglaki ng mga mata ko. Mula sa medyo singkit ko na mata ay lumaki iyon ng sobrang laki sa gulat ko.

Kaya pala pamilyar ang boses niya, kaya pala iba ang kabang nararamdaman ko kanina at lalo pa 'yung tumindi ngayon sigurado ako. Hindi ako makahinga, parang anytime hihimatayin ako, hihimatayin ako sa pagkabigla nang makilala siya.

Lie to me again✔️CompletedWhere stories live. Discover now