Chapter2: Beauty and Madness

5.2K 158 36
                                    

Chapter2: Beauty And Madness

Over there, just beneath the moon, 
There's a man with a burden to keep, 

Now sleep will fall, washouts, rags and paperbags 
Homes and lives passing by.

Who will see the beauty in your life 
And who will be there to hear you when you call 

Who will see the madness in your life. 
And who will be there to catch you if you fall...

Casey's POV

Unang araw ko sa trabaho, Tour Guide ako ng Japanese Visitors ng company namin. Si Mama lang naman ang nagtataguyod sakin since birth dahil iniwan na kami ni Papa bata pa lang ako. Hindi ko alam ang dahilan, hindi na din naman nagkwento pa si Mama tungkol sa Papa ko kaya hindi na lang din ako nagtanong.

Hindi na kinaya ni Mama ang tuition fee ko noon kahit na Scholar ako, half lang kasi ng tuition ko ang libre. Second year college ako nung naisipan kong tumigil at lumipat ng public school. Kahit na ayoko wala na din naman akong magagawa at isa pa ayoko na din sa school na 'yun dahil sa nangayari sa amin ni Dale.

"Casey, anak bumaba ka na dito. Mag-breakfast ka na," sigaw ni Mama. "Opo, Ma. Mag-aayos lang po ako saglit," sagot ko habang nakaharap sa salamin.

Dati wala sa bokabularyo ko ang salitang pag-aayos, kasi naman ang taba-taba ko noon at alam ko na kahit mag-ayos man ako wala namang makakapansin sa akin, wala namang magsasabi na maganda ako at sexy. Wala namang makaka-appreciate.

Ang sagwa namang tingnan kapag nag-ayos pa ako at magsuot ng sexy na damit, magmumukha lang ako feelingera. Feelingera nga dahil akala ko may tatanggap sa akin kahit pa para akong elepante. BALYENA. BABOY. SALBABIDA. DAMULAG.

Kung anu-ano pang mga salita ang narinig ko. Nakakalungkot lang kaya naman wala na akong pakialam sa magiging itsura ko. Lalo pa ngang bumaba ang pagtingin ko sa aking sarili nang makilala ko 'yong lalaking minahal ko ng totoo pero hindi nandidiri pala sa akin.

"Pre, in-love ka na ba kay Miss Tabachingching? Lagi ko kasi kayo nakikitang magkasama. 'Wag mo sabihing naiba na ang taste mo sa babae? Papamisa ako sa buong bansa," pang-aasar ni Jeff sa kausap niya na si Dale.

"Paano ako mai-inlove sa balyenang 'yon? Eh ang taba non, pre. Asa namang patulan ko 'yon. Sexy naman siya, kasing sexy ng REFRIGERATOR," sagot ni Dale na napailing-iling.

"Eh bakit ba lagi mo siyang kasama kung ayaw mo pala sa kanya?" takang tanong nito.

"Porket ba laging kasama may pagtingin na agad? Alam mo naman ang laki-laki ng naitutulong sa'kin ng balyenang 'yon. Sa assignments, sa projects tsaka ang sarap niyang lamutakin. May kama ka na may unan ka pa, kompleto sa rekado, dude!" tawa siya ng tawa. "Hinding-hindi ako magkakagusto sa babaeng triple ko ang laki, nakakadiri!" nakatawang sagot ni Dale.

'Yon mismo ang mga narinig kong sinabi niya. Tandang-tanda ko pa ang bawat salita na binitawan niya. Sino ba namang tao ang hindi bababa ang tingin sa sarili niya kapag narinig ito mula sa taong mahal na mahal niya? Imposibleng hindi ka masaktan, imposibleng hindi ka umiyak, imposibleng hindi ka magagalit.

Alangan namang magtatalon ako sa tuwa. Ginamit. Niloko. Pinaasa. Pinaniwala. Pinag-trip-an. Sapat na ba 'yang dahilan para maghiganti ako sa kanya? Sapat na ba 'yan para gawin ko din ang ginawa niya sa akin dati?

Oo, gusto ko maghiganti, gusto ko maramdaman niya lahat ng sakit na naramdaman ko, gusto ko siyang umiyak sa harapan ko at magmakaawa sa kapatawaran ko, gusto ko magsisi siya sa lahat nang ginawa niya sa'kin. Gusto kong ipamukha sa kanya na maganda din ako.

Lie to me again✔️CompletedWhere stories live. Discover now