Chapter 20

24.6K 955 209
                                    

I cried silently inside my dark room. I wiped my tears with the back of my hand and tightly clenched my jaw. Hindi ko maintindihan. Hindi ko alam kung bakit sobrang nasasaktan ako ngayon dahil sa nangyari. Dahil sa lahat ng sinabi ni Luca sa akin. I don't know which part of all those hurt me the most. Iyon bang panunumbat niya sa akin? Iyong pag-babanta niyang isusumbong ako? O iyong.. iyong hindi niya na ako pakikialaman?

Sumikip ang dibdib ko sa hindi ko na mabilang na pagkakataon. Matinis akong humikbi at pinunasan ulit ang parang ulan kong mga luha. Nahagip ng paningin ko ang papel na ipinakita sa akin ni Luca. Naiwan iyon sa aking kama. Inabot ko iyon at pinaka-titigan.

Napa-iyak ulit ako. Did he ask of this from my adviser? After he learned from my classmate that I was with Clyde? Napapikit ako ng mariin. How could I forget that he is so smart? That he is a fúcking Magna Cum Laude? And yet I dared to fool him! How stupid can I be?

And now he knew everything. I broke his trust. I fooled him. I bruised his man-ego. He's mad at me. Very mad.

Tumingala ako at pinakiramdaman ang mahihinang pag-tulo ng mga luha ko. Ang sakit niyang pakinggan kanina. Hindi ko halos kayanin. Ang mga mata niyang puno ng iba't ibang emosyon habang sinusumbatan ako at sa huli'y naging blanko at malamig. Hindi ko lubos ma-isip na siya iyon. Na kaya niya palang maging ganoon. Sobra ko nga sigurong sinagad ang pasensya niya at lumabas ang ugali niyang hindi ko kailanman inakalang mayroon siya. Pero bakit? Bakit parang mas lalo lamang iyon nagbigay ng kakaibang epekto sakin?

Magda-dalawang oras na simula nang lumabas si Luca. Naka-ilang balik na rin si Kuling upang pababain ako para kumain ngunit parati kong tinatanggihan. Hindi yata ako makaka-lunok ng pagkain kung ganitong sobrang bigat ng puso ko.

And now I don't know if I would be able to sleep. Kahit hindi na peacefully, kahit makatulog na lang. Pero pakiramdam ko kahit iyon ang hirap gawin. All these things I am feeling just won't let me rest. Patuloy akong gagambalain.

Humiga ako at nag-talukbong ng kumot. I tightly closed my eyes and all I can see is Luca's bloodshot eyes. His pointed nose. His clenching jaw and his moving pectorals. Damn it! Naiiyak na naman ako. Parang hindi na titigil sa pag-buhos.

Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Isinumbong na ba ako? Kung ganoon ay bakit hindi pa ako pinatatawag? Nasa kwarto niya na ba siya? Natutulog na o nagdra-drawing pa? Ugh!

Ma-ingay akong nag-buga ng hininga at mahinang humikbi. Ugh! I can't stop crying! Nararamdaman ko na ang pamumugto ng mga mata ko ngunit walang pagod pa ring bumubuhos ang mga luha ko! Nakaka-inis.

What if I will apologize to him tomorrow? This time, sincerely. Mabait si Luca, alam ko. Mabuti siyang tao. Makikita niya naman siguro diba na nag-sisisi ako sa ginawa ko? Maybe he will forgive me naman, diba?

Pero nahihiya ako! Sobrang nahihiya. Wala na yata akong mukhang maihaharap sakaniya. What if he will reject my apology? Paano kung dedmahin niya lang ako? By the looks of it, parang hindi niya na ako pagkakatiwalaan ulit. Frustrated na lamang akong napa-iyak.

Ah basta! Magso-sorry ako bukas ng umaga din! Pagkatapos kumain. Magtatabi naman kami sa sasakyan kaya madali lang iyon. Iyon lamang ang inisip ko buong magdamag hanggang sa hindi ko namalayang naka-tulog na pala ako.

Maaga akong nagising kinabukasan. Pag-tingin ko sa salamin ay medyo namumugto nga ang aking mga mata. Huminga ako ng malalim bago pumasok ng banyo. I did my morning rituals. Nang natapos ay hindi ko na hinintay ang pag-katok ni Kuling at lumabas na ako bitbit ang aking sling bag.

Pababa nang hagdan ay nakasalubong ko ang gulat at tulalang si Kuling. Dahan-dahan siyang umaakyat habang nakakapit sa barandilya ng hagdanan. I stopped.

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Where stories live. Discover now