Special Chapter 1

35.1K 1K 228
                                    

Napapa-ngiti ako habang pinagmamasdan ang maarte, maputi at mataray na bata. Minamasaje ng staff ang kaniyang maliliit na paa. She is watching it very closely as she is very particular in foot spa. Matapos masajein ng kaunti ay inilunod na ulit ng staff ang kaniyang mga paa at may nilagay na powder upang bumula iyon. I heard her giggle.

"Bubbles!" She cheered. Mas lalong lumapad ang ngiti ko habang bino-blow dry naman ni Diego ang buhok ko.

She caught me staring at her. She grinned at me and did her flying kiss gesture. I chuckled.

"You're so cute." Hindi ko napigilang sabihin.

"I know. Thank you." She said in a sweet girly voice. My heart fluttered at that. Kung titingnan ng isang estranghero ang batang ito ay mapagkakamalang walang kasamang magulang. She was two meters away from me. She likes to be away because she's very used to doing this and she's obsessed being alone and act like an adult.

Pumikit na lamang ako at huminga ng malalim. Noon, natatakot pa ako baka hindi ko kaya at hindi ako marunong. It took me two years to decide about having her. And now, she's almost four years old. Very healthy and pretty.

"Bly, may tumatawag." Sabi ni Diego at tinuro ang Hermes ko na nakapatong sa maliit na side table sa tabi ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ang pangalan ng asawa ko. Time is up?

"Hello..." I drawled lazily. I heard my husband's deep breath on the other line.

"Baby, you done?" He asked. Ngumuso ako at tinanaw ulit ang batang babae na enjoy na enjoy pa rin kahit na malapit ng matapos ang foot spa niya.

"Yeah. Give us thirty minutes and we'll be home." Malambing kong sabi. He can't stand not seeing us in the house especially in his rest days. Nagpaalam akong mag-pamper kanina kaya ganito, alam niyang schedule ko talaga ngayon. Gusto pang sumama kaya lang hindi ko na pinasama dahil alam kong kailangan niya ng pahinga.

"Alright. Where's my princess? Can I talk to her?"

Napa-tingin ulit ako dun at nakitang isinu-suot na sakaniya ng staff ang kaniyang pink barbie sandals. She pouted.

"She's here. Wait,"

Sumenyas ako kay Diego na itigil muna ang pag blow dry ng buhok ko. I craned my neck to see her more.

"Cia..." Malambing kong tawag. Hindi niya ako narinig. She really gets pre occupied with her surroundings.

"Cia!"

Napalingon na siya sa akin at ngumuso. Ayaw pa sigurong matapos ang foot spa niya. Iyon lamang kasi ang pinapayagan kong gawin niya kasi ayoko namang maaga siyang ma expose sa kaartehan. It's not helping that she acts just like me.

"Daddy wants to talk to you." Ngiti ko. Lumiwanag ang mukha niya at dali-daling tumakbo palapit sa akin.

"Daddy! Daddy!" She chanted as she put her hands up in the air.

Ibinigay ko sakaniya ang cellphone ko at kinausap niya na nga ang Daddy niya. Sumenyas ako kay Diego na ipag-patuloy na ang ginagawa niya.

"I'm done with my foot spa!" Rinig kong kwento ni Cia sa Daddy niya. Luca is spoiling her so much. Taliwas sa prinsipyo niya noon. Hindi ko nga makalimutan ang sinabi niya noon.

"Naiintindihan ko na kung bakit ka spoiled noon kay Sir Eduardo. Iba talaga kapag anak mo na. Gusto mo na lang ibigay lahat." He whispered as we watched Cia playing with her very expensive doll house.

We had Lucia Amara Gomez Lagdameo three years after we first got married. Unang taon ng pagiging mag-asawa ay nilaan ko sa pagpapagaling mula sa pagkaka-baril. Noong ika-dalawang tao naman ay ikinasal kaming muli sa Amsterdam. At noong pangatlo, dahil na rin sa pangungulit nina Daddy na mag-anak na kami ni Luca, napag-desisyunan ko ng ganoon nga.

His Untamed Brat (Hot Trans Series #2)Where stories live. Discover now