Chapter 2

14.7K 455 16
                                    

(A/N: PG  May scene dito guys na medyo hindi dapat gayahin. Well part sa story ito kaya hindi maiwasan na may mga harsh word dito. Thank you")

(Redentor POV)

" Ma bakit gising ka pa?" hinagkan ko ang noo ni Mama.

" Hinihintay kita anak. Nagluto ako ng paborito mo" kinabig ko si Mama. Hinagkan ko ang buhok nito.

" Salamat Ma. Siguradong madami na naman ang makakain ko niyan." giniya niya ako sa kusina. Pinaupo na niya ako at kumuha na ito ng plato.

" Pasensya na Ma gabi na ako nakauwi. Madami po kasing trabaho sa presinto."

" Naiintindihan ko anak. Alam ko naman na part ng trabaho mo iyan. Basta mag-iingat ka palagi" nakangiting sabi nito.

" Ma nagpunta kanina si David sa presinto. Kinukumbinsi niya akong puntahan ang kanyang ama dahil gusto daw niya akong makausap" habang ngumunguya tiningnan ko ang reaction ni Mama.

" Bakit hindi mo puntahan. Matagal ng nangyari ang mga nagawa ng Papa mo sa atin. Napatawad ko na siya sana ganun ka din sana anak. Para magkaroon ka na ng katahimikan sa puso mo." umiling ako.

" Hinding hindi ko siya mapapatawad Ma. Kung talagang gusto niyang humingi ng tawad sa atin sana noon pa niya ginawa. Hindi ngayong may sakit siya at mamatay na" hinaplos ni Mama ang balikat ko.

" Naiintindihan ko ang galit mo anak. Hindi kita pipilitin sa ngayon. Umaasa ako na isang araw mapapatawad mo din ang Papa mo." hindi na lamang ako nagsalita. Baka makapagsalita pa ako ng masama. Sagad hanggang langit ang galit ko sa lalaking iyon.

PINUNTAHAN ko sa hospital kung saan nagtratrabaho si Amanda. Hinintay ko siya mag-out sa hospital. Habang nakaupo ako napansin ko ang isang babae nakatingin sa akin. May edad na ito. Napakunot noo ako dahil parang pamilyar sa akin ang babae. Lumapit sa akin ito.

" Redentor" napakunot noo ako dahil tinawag niya ako sa pangalan ko. Hindi ko siya kilala.

" Sino po kayo? Bakit niyo ako kilala?" tanong ko. Parang natigilan ito sa sinabi ko.

" Mom!" napalingon kami sa tumawag sa babae.

" David anak " hinagkan ni David ang Ina nito ang babaeng kinasusuklaman ko.

" Kuya buti napag-isipan mo ng dalawin si Daddy." nagsalubong ang kilay ko sa sinabi niya. Tumawa ako ng nakakaloko.

" I'm not here to visit your father. I'm here because my girlfriend is working here. Bakit mo naman inisip na dadalawin ko ang walang kuwenta mong ama. I told you, kahit mamatay pa siya hinding hindi ko siya mapapatawad!" galit na galit na sabi ko. Napasinghap ang babae sa akin. Wala akong pakialam sa kanila. Dahil sa kanila kaya ako ganito ngayon. Kinasusuklaman ang pamilya nila!

(Flashback)

"Ma ang ganda dito sa mall ang lamig." unang beses akong nakapasok sa malaking gusali na tinatawag nilang mall. Hanggang palengke lang ako dahil hindi kami makapunta ni Mama para lumabas kasi wala naman binibigay si Papa na pera. Nagtrabaho na si Mama bilang tindera sa isang grocery na malapit sa bahay namin. Buti nakapasok si Mama doon kahit hindi siya nakatapos ng high school. Kaibigan niya kasi ang may-ari nun. Unang sweldo ni Mama kaya nagyaya siya mamasyal kami.

" Madaming mabibilhan dito anak ng mga damit at laruan. Gusto mo ba bilhan kita ng laruan mo?" nagningning ang mata ko sa sinabi ni Mama. Tumango ako.

" Opo Mama gusto ko laruan!" sabi ko. Hinawakan ni Mama ang kamay ko at naglakad kami papunta ng bilihan ng mga laruan. Halos lumuwa ang mata ko sa nakikita kong mga bilihan ng mga damit at mga sapatos. Napatingin ako sa suot na sapatos ni Mama. Bumubuka na ang sapatos niya at lumang luma na ito. Napatingala ako sa kanya.

Police Series 1 Possessive Love(Redentor Dimasalang Story)Where stories live. Discover now