Chapter 9

11.3K 372 28
                                    

(Redentor POV)

" Anong ginagawa mo dito?!" naiirita kong tanong sa babaeng nakaupo na nasa loob ng opisina ko.

" I want to talk to you. Please Red come back to me." pagmamakaawa nito. Tiningnan ko ito ng may pag-uuyam.

" Really? It's almost 6 years my dear wala na tayo. Ngayon mo lang sasabihin iyan? Anong dahilan mo?" sabi ko.

" Ikaw pa din ang mahal ko Red. I know it's been 6 years. Napilitan lang ako sa pagpapakasal sa lalaking iyon. Our family needs him." napatawa ako ng nakakaloko.

" Wala kang karapatan bumalik pa sa buhay ko. Dahil matagal ka ng wala dito!" tinuro ko ang puso ko. " Matapos mong patayin ang anak ko! Ang kapal ng mukha mo na sabihin na napilitan ka lang na pakasalan ang lalaking iyon! You have a choice Annie. Pero mas pinili mo ang pera kaysa sa akin. At dinamay mo pa ang walang malay na anak natin." halos mag-apoy ang mga mata ko sa galit.

Napaiyak ito. Walang kapatawaran ang ginawa niya sa kaawa awang sanggol na hindi pa lumalabas pinatay na niya. Napakasama niya. Tapos may gana pa siyang humarap sa akin at sabihing gusto niyang bumalik sa buhay ko. 

(Flashback)

SPG Alert! Not suitable for  young readers.

" Babe guess what?!" sabi ko sa long time girlfriend kong si Annie Lee. Isang mayaman pero minahal niya ako sa kabila ng kahirapan ko.

" Ano iyon babe?" nakangiting sabi nito.

" Nakapasok na ako sa PNP. Pulis na ang boyfriend mo!" anunsiyo ko sa kanya. Malawak na napangiti si Annie sa sinabi ko.

" Oh my god. Congratulation babe!" yumakap siya sa akin. Hinagkan ko ang kanyang buhok.

" Matutupad ko na din ang pangako ko sa iyo babe. Kapag okay na ako sa pagpupulis. We're getting married." sabi ko. I love her so much. Since high school naging nobya ko na siya. Nakilala ko siya sa isang common friends. Madalas kasi kaming maglalaro ng basketball sa mga subdivision at lumalaban. Nabighani ako sa taglay niyang ganda. Bukod doon napakabait at napakamalambing niyang tao.

" Hindi na ako makapaghintay na makasama ka babe. I love you so much" sabi nito. Hinaplos ko ang buhok nito.

We simply celebrate our 5th Anniversary being as a couple in a fancy restaurant. First sahod ko kaya nailibre ko siya. Sinama ko si Mama para naman maexperience niya ang kumain sa restaurant.

Natutuwa ako dahil magkasundo si Annie at si Mama. Itinuring ng parang anak niya ang nobya ko. At ganoon din si Annie itinuring na niyang Ina si Mama.

Hindi ko pa nameet ang magulang ni Annie. Kahit gustuhin ko man hindi nila ako gusto para sa kanila. Mayaman ang pamilya nila. May lahi silang intsik kaya ang gusto nila para sa anak ay kapwa din nila intsik.

Pero pinaglaban ako ni Annie sa magulang niya. Kaya hanggang ngayon kami pa din. Mag-iipon lang ako at pakakasalan ko na siya. Siya ang babaeng ihaharap ko sa dambana.

Hinatid ko muna si Mama sa bahay dahil may pupuntahan pa kami ni Annie. Nagpabook ako sa isang hotel. I want to spend my night with her in our special day. Kahit 5 years na ang relationship namin we never had sex. Hanggang kiss at touch lang ang nagagawa namin. We decided to do it now.

" Hindi ba magbabago ang isip mo babe? Baka naman nasa kalagitnaan na tayo bigla kang tumakbo" natatawa kong biro. Hinampas niya ang braso ko.

" Loko ka siyempre hindi. Hindi ba sinabi ko na ready na ako. Tsaka 23 na ako tapos ikaw 24  nasa right age na tayo para maexperience iyon." nakangiting sabi nito. Pero namumula ang pisngi nito. I pinch her cheek. She pouted her lips. Kinintalan ko ng halik iyon.

Police Series 1 Possessive Love(Redentor Dimasalang Story)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora