Chapter 5

13K 385 9
                                    

(Redentor POV)

" Love, kausapin mo naman ako. I am so sorry I promise hindi ko na siya kakausapin." hinawakan niya ang braso ko. 

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. 

Humarap ako sa kanya na seryoso ang mukha. " Don't promise kung hindi mo rin naman tutuparin." nakasimangot na sabi ko. Hindi niya kilala ang mga taong 'yun. Kung ipagtanggol niya parang napaka buti nila. 

" Okay, tell me kung bakit naiinis ka sa kanila para maintindihan ko." yumakap ito sa beywang ko. Umupo kami sa sofa at kinandong ko siya habang nakayakap ang braso ko sa maliit nitong beywang.

" His father is also my father. He is my half brother. Iniwan kami ng ama ko dahil sa Nanay niya. Hindi naging mabuting ang ama ko sa amin ni Mama. Palagi niyang pinapamukha sa amin na wala daw kaming kuwenta at malas kami sa buhay niya. Bata pa lang ako noon nawitness ko na ang kalupitan ng ama ko kay Mama. Iniwanan niya kami, sumama siya sa kabit niya. Hindi siya nagbigay ng sustento sa amin kaya napilitang magtrabaho si Mama. Kahit hindi nakatapos ng high school si Mama. Pinilit niyang makahanap kahit anong trabaho para lang makaraos kami sa pang-araw araw naming buhay. Gusto ko sanang huminto na lang sa pag-aaral ko noon. Pero tumanggi si Mama. Igagapang niya daw ang pag-aaral ko para makatapos lang ako. Tinulungan ko si Mama ng hindi niya alam. Nagtitinda ako ng sampaguita pagkatapos ng klase ko kasama ang kaibigan ko na nagtitinda din ng sampaguita. Siya ang tumulong sa akin para makapaglako sa simbahan. Para lang may maipambaon ako sa eskwela." hinaplos ni Amanda ang mukha ko.

(Flashback)

" Hoy, Reden, nagtatarbaho ako sa palengke. Isa akong kargador. Malakas ang kita doon gusto mo sama ka sa akin?" sabi ng kaibigan kong si Melchor.

" Talaga?! Kaso may pasok ako, eh. Baka magalit sa akin si Mama kapag lumiban ako sa klase." sabi ko.

" Tuwing Sabado at Linggo iyon. Kahit maghapon na tayo doon. Para makarami tayo ng kita. Tsaka makakalibre tayo ng mga gulay kasi yung mga redyek na mga gulay pinapamigay na nila. Kagaya na lang nung isang araw ang dami kong naiuwing gulay." nakangiting kuwento ni Melchor.

" Sige magtatarbaho din ako doon. Para may pang-ulam kami ni Mama." napangiti ako dahil matutulungan ko na si Mama.

PAGKADATING ni Mama sinalubong ko na siya. May dala dala itong supot.

" Ilagay mo na sa mangkok ito anak. Nakasaing ka na ba ng kanin?" hinagkan ni mama ang noo ko.

" Opo Mama" kinuha ko na ang ulam para isalin sa mangkok. Iba na naman ang pinagtratrabahuan niya. Sa isang karinderya bilang tindera at tagahugas ng plato. Kaya maaga kung umalis si Mama sa bahay. Sa murang edad natuto akong asikasuhin ang sarili ko. Wala naman kaso doon kahit hindi na ako naasikaso ni Mama. Naiintindihan ko naman ang sitwasyon namin.

Habang kumakain nakatitig ako ay Mama. Mahal na mahal ko siya. Pagdating ng panahon ako naman ang mag-aalaga sa kanya.

SABADO nagpunta kami ng kaibigan kong si Melchor sa palengke. Buti maagang umalis si Mama. Kaya ng nakaalis na ito sumunod naman ako. Kailangan makarami kami ngayon. Sinuot ko ang kamiseta kong luma na. Tastas na ang mga sinulid nito at may mga butas na. Kinuha ko naman ang kaisa isang tsinelas ko na pudpod na dahil sa kalumaan.

" Melchor!" tawag ko sa labas ng bahay ng kaibigan ko. Lumabas na ito sa tarangkahan nila, may tulak tulak na kariton.

" Buti maaga ka akala ko mamaya ka pa." sabi nito sa akin.

" Maaga umalis si Mama kaya nakalabas din ako ng maaga. Halika na baka madaming magpapabuhat ng mga paninda ngayon." sabi ko.

Narating namin ang palengke. Madilim pa dahil alas singko pa lang ng umaga.

Police Series 1 Possessive Love(Redentor Dimasalang Story)Where stories live. Discover now