Chapter one:

10.6K 115 3
                                    

INIISIP mo nanaman ba ang mga nawala mong mga alala? Malamyos na turan ni Natan.

Mahigit isang taon na din ang nakakaraan ng mapag alaman nagkaroon sya ng temporary amnesia dahil sa nangyareng aksidente.

Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik ang kanyang mga ala ala ngunit buo ang suporta sa kanya ng buong pamilya maging ng kanyang nobyo na si Natan.

Sabi ko naman sayo mahal na kusang babalik yon at hindi mo kailangan na pilitin ng ganyan ang sarili mo. Yakap nito sa kanya mula sa kanyang likuran.

Napangiti syang napasandal dito at pinagsalikop ang kanilang mga kamay.

Naiinis lang ako mahal, isang taon na din kasi simula nang ma aksidente ako at mawala lahat ng ala ala ko. Gusto ko na din maging normal ang buhay ko.

Hmm? Hinarap sya nito. Hindi ba normal ang buhay mo?

Hayyy! Hindi naman yon ganun, syempre gusto ko ma alala na kita yung dati, kung panu mo ko niligawan? Panu kita sinagot. Dahilan nya.

Hinapit nito ang kanyang bewang bago kintalan ng halik sa labi. Diba na kwento ko na din yon sayo? Magklase ..

Magkaklase tayo noong high school tayo, naging seat mate kita nong huling term na noon ng grade 10. Naging mag kaibigan tayo sa Simula hanggang sa niligawan kita nang mag grade 12 tayo at naging official na naging tayo noong ika-18 na kaarawan mo.

... At ngayon nga ay mahigit limang taon na tayong mag kasintahan. Walang sawa nitong kwento.

Kahit na naka ilang tanung nya na ito sa mahigit isang taon na pag kakaroon ng amnesia ay hindi nya ito naringan na nag reklamo. Natural na sweet ito sa kanya at sobrang maalaga. Kahit na sa sentro na ang trabaho nito ay umuuwi ito ng linggo para sila ay mag kasama sa isla.

Kaya tama nga ang tinuran ng kanyang Tatang Maning sa kanya mahigit isang taon na ang nakakaraan na napaka swerte nya at naging nobyo nya ito.

Kaya sana lang ay maka alala na sya.

Hindi kana sumagot mahal. Lambing nito sa kanya.

Naisip ko kasi, mag trabaho na kaya ako? Isang taon na din ako walang ginagawa eh. Na babagot na din ako. Diba sabi nyo trabahante ako sa isang resorts sa kabilang isla bago ako ma aksidente?

Hmm. Hindi naba sumasakit ang ulo mo?

Minsan pero kapag masyado lang ako nag iisip. Pag amin sya.

Pano kung mapahamak ka ulit?

Huh? Pamahamak? Aksidente naman yun nangyare eh. At saka diba nag promise ako na hindi na ako ma mamangka mag isa. Pilit nya dito.

Siguraduhin mo mahal, ayaw ko nang naramdaman yung naramdaman ko last year.

Hahah oo na alala ko sabi ng mga nurse doon nahimatay ka daw pag ka dala mo sakin sa Hospital hahahah. Asar nya dito.

Sobrang alala lang naman ako sayo non, at saka akala ko talaga mawawala kana sa akin mahal. Tinitigan sya nito ng puno ng pag mamahal pagkatapos ayusin ang buhok nyang medyo tumabing sa mukha nya. Mahal na mahal kita mahal. Bulong nitong salita.

Aaminin nyang ng unang beses nya ito marinig mula sa binata ay wala syang naramdaman ngunit sa paglipas ng isang taon at nakikilala nya ito, unti unti nyang nalalaman kung bakit sya nahulog dito dati.

Mahal din kita mahal. At naglapat ang kanilang mga labi.

MAHAL hindi kaya naubos ang sahod mo nyan? Tanung nya dito.

Linggo nanaman at napag usapan nila na sa sentro mag kita. At ito nga kakatapos lang nila manuod ng sine sa kabilang bayan pa ng sentro kung saan may mall.

Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now