Chapter eighteen:

3.4K 83 2
                                    

Isang buwan ang lumipas, tatlong buwan na ang kanyang anak na si Thorr. Bungisngis ito kapag s'ya ang may hawak ngunit seryoso naman sa iba. Mabilis itong makatulog kapag kina kantahan nya o kaya may kanta.

Ang sabi ng mga magulang ay lalaking musikero ang anak kaya naman ay natutuwa s'ya dito.

Ngayon ay balak nyang dalhin ang anak sa Hospital at ipakilala sa mga malapit sa kanya. Nailipat naman na sa normal na kwarto ang lalaki.

Jusko napaka cute naman ng anak mo Aryan. Nanay.

Hi baby Thorr. Hahah ang gwapo gwapo mo po baby. Nina.

Nakontak mo na ba ang iyong mga magulang anak? Sigurado akong magugulat sila sa anak mo.

Meron na akong contact number nila inang sa Isabela kaya lang ay sobrang nahihiya ako dito sa nangyari sa akin. Hindi ko rin pwedeng ipakilala sila kay Tim dahil hindi talaga ako si Hana.

Sa totoo lang naguguluhan ako paano ko itatama ang gulong to. Kung sana tinama ko na sa umpisa palang ay hindi sana naging ganito kagulo ngunit ayaw kong pag sisihan ang mga araw na naging masaya ako sa piling ng lalaki at ng pamilyang minahal ko.

Hindi pa po nay. Hindi ko po kasi alam paano ko explain sa kanila ang mga bagay.

Naku namang batang to. Magulang ay magulang kahit anu pang gulo yan tiyak na maiintindihan nila. Akoy kinakabahan ako sayo iha. Eh kung tumakas ka nalang kaya?

Salamat nay pero gusto ko pong aminin sana kay Tim ang lahat para naman po ay hindi kami magkagulo sa anak naming si Thorr. Mayaman po sila at wala akong laban kung sakaling kunin nila sa akin ang anak ko.

Kailan mo naman aaminin sa kanila ang lahat?

Sa isang linggo po. Wala po kasi Tim ngayon sa bahay at sa makalawa pa ang dating nya.

Ganun ba. Ipapanalangin ko na sana ay maging maayos ang kahinatnan ng lahat.

Dinalaw din namin saglit si Trev sa trabaho nito. At nag kausap kami tungkol sa pina iimbetigahan nya.

Ngunit ang sabi ng agent ay  matatagalan dahil wala naman ibang naging anak ang mag asawang Vejares maliban kay Hana.

Nag pa kuha ulit ako ng DNA test both parents na as advice ni Trev. At ang labas nito ay next week din. Hindi nya pinahalata sa mga ito n kinuhanan nya ng hair strand at nail sample ang mga ito.

Kung sakaling lumabas ito ay yon ang gagawin nyang basis sa pag pa paliwanag. Hiling nya lang ay sana ay pikinggan s'ya ng mga ito.

Hana? Gulat na gulat na bangit nito sa pangalan nya.

Dorothy. Pumayat ang babae, naging malikot ang mata nito.

Buhay ka?

Huh?

Nabalitaan ko na may nangyari sayo. Natarantang paliwanag nito. Ito na ba ang baby mo? Biglang naging maamo ang boses nito.

Oo Dorothy, ang pangalan nya ay Thorr. Punta ka sana sa binyag nya ah.

Why would I? Biglang naging matalim ang boses nito.

Dorothy. Nagulat na turan nya.

Pumikit ito ng madiin. I mean oo sige pag hi-hindi ako busy. Maarte nitong turan. Anyway I have to go.

Jusko anu ba tong nangyayari sa Pilipinas. Noong nakaraang araw 16 years old ni rape na pinatay pa. Ngayon naman pinatay na nga tinapon pa ang bangkay sa ilalim ng ilog.

Naabutan nyang ang tatlong kasambahay na naka titig sa TV.

Aling Senya bakit po?

Naku Hana, andito na pala kayo ni baby Thorr. Ate Marta.

Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now