Chapter three:

5K 105 0
                                    

NANG magising ay sobrang sakit ng katawan nya at halos hindi nya mamulat ang mga mata. Inaasahan nyang nasa kalsada pa rin sya ngunit isang marangyang kwarto ang nabungaran nya.

Hindi ito Hospital dahil hindi purong puti ang kulay nito kundi pula ang nasa ilalalim at kremang naman ang taas.

Malamig din ang loob ng silid ngunit may komportable itong pakiramdam.

Ang bango din ng loob nito, amoy mamahalin na pabango.

Nag hotel ba ako kagabe? Ang natatandaan nya ay nakatulog sya sa kalsada sa sobrang pagod.

Natan!?

Agad syang na pabangon kahit na nanakit ang kanyang katawan, mainit din ang singaw ng kanyang katawan. Maging ang mga mata ay ibig atang malaglag sa bigat.

Agad nyang hinanap ang gamit ngunit wala syang makapa sa ilalim ng kama. Napatingin sya sa sarili at doon nya lang napag tantong ang suot na damit ay isang maluwag na T-shirt maliban doon ay wala na.

Wala akong ganito kalaking T-shirt! Asan ako!? Bakit wala akong panloob? Napag samantalahan ba ako!?

Dugo!?

Asan ang dugo? Agad nyang bumangon at hinagilap ang dugo sa kama ngunit wala syang nakita.

What a perfect view. Isang baritonong tinig ang nag patili sa kanya, agad nyang binalot ang katawan ng kumot.

As much I want to take you I don't do left over. Naka ngisi nitong pahayag, nakangisi ito pero ang mga mata nito ay mabagsik, nag aakusa.

Anung ginawa ko?

Matangkad ito at gwapo, na na dedepina lalo nang matapang nitong mga panga, may balbas ito ngunit alam mong bagong tubo lang ito. Naka pantalon lang din ito kaya malaya nyang nakikita ang sobrang kinis nitong balat sa dibdib. At ang abs nitong perpekto na parang inukit ng skulptor.

Si-sino ka? Anung ginawa mo sa akin? Asan ang mga damit ko!?

Tinaasan lang sya nito ng kilay at ininom ang alak na hawak, I know it, you pursued your acting skills eh? Sorry to say this, but it's not working anymore.

Pinagsasabe nito!?

Anung pinag sasabe mo? Sino ka ba talaga!? Anung ginawa mo sa mga damit ko? Wala kang makukuha doon dahil purong ukay ukay lang naman ang mga yon. Sigaw nya dito. Biglang sumakit ang ulo nya kaya napahawak sya dito.

No point of denying Hana, matagal ko ng alam. At andito ka, dahil kailangan ko lang ng pirma mo. Kung hindi mo kami kailangan, mas hindi ka namin kailangan ng anak mo!

Anak!? Hana!? Sino ako?

Teka parang nangyare na to ah. Tama yung na aksidente sya teka teka may amnesia ulit sya!!!

May amnesia ulit ako!? Tanung nya sa lalaki.

Teka teka, hindi kasi natatandaan nya ang lahat. Ang mga magulang nya, ang Isla at si Natan.

Si Natan. Kailangan nyang hanapin ang pamilya nito, tama pinalayas ito sa apartment na tinitirhan.

Mr. Kailangan ko na umalis. Asan na ang mga gamit ko!? Akma syang tatayo ngunit na buwal lang sya.

The hell with your reason Hana, I want your signature here. Hagis nito sa brown envelope.

Sinabe nang hindi ako si Hana eh. Sa sobrang bwusit nya dito kaya hinagis nya pabalik ang envelope dito. Aryang ang pangalan ko at hindi Hana! Bakit mo ba pinag pipilitan na si Hana ako!? Sino ka ba?

Stop acting like your the victim here Hana, stop all the pretending and lies, why don't you just be your self once in for all total matagal ko na din naman alam.

Runaway Wife (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon