Prologue [020619]

5.6K 128 23
                                    

"Psst pangit!"


Kasalukuyang nagbabasa ng libro si Luna ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto kasunod ang pag-alingawngaw ng isang pamilyar na boses. Nasa maids' quarter siya ng mansyon, ang nagsisilbing kwarto nila ng kanyang ina. Nakahilata siya sa sementadong sahig at ginawang mesa ang kahoy na higaan. Napaigtad siya ng lumundo iyon.


"Psst pangit! Ang snob mo naman." Nakakalokong wika ulit ng bagong dating.


May initsa itong notebook sa harap niya. Doon na siya nag-angat ng tingin. Muntik pa siyang mapasinghap sa gulat ng makita kung gaano kalapit ang mukha ng binatang amo sa mukha niya. Prente na itong nakahiga sa kama at nakatagilid paharap sa kanya.


"Boss, b-bakit po?" Nauutal niyang tanong ng sa wakas ay makahuma sa pagkagulat.


"May tanong lang sana ako..." Seryoso nitong saad. Napalunok si Luna ng mas lalo pa nitong ilapit ang mukha sa kanya. Pinigilan niyang mapapikit ng malanghap ang mabangong hininga ng binata. Titig na titig ito sa kanya na mas lalong dumagdag sa kabang nararamdaman niya.
"...ba't ang pangit mo?"


Napapikit siya ng mariin ng bumunghalit ito ng tawa sa mismong mukha niya. Akala pa naman niya ay kung ano na ang sasabihin nito. As usual, pinagtitripan na naman siya ng binatang amo.


Mag-iisang taon nang patay ang kanyang tatay at mula noon ay sumama na siya sa ina na nagtatrabaho bilang kasambahay ng pamilya De Veyga. Ang mga amo mismo ang nagpresenta na doon na siya patirahin sa mansiyon ng mga ito.


Likas na mabait ang mag-asawang De Veyga. Kaya naman ay ipinagtataka niya kung saan nagmana ang nag-iisang anak ng mga ito. Mula kasi ng maglagi siya sa mansiyon ay palagi na lang siyang inaasar nito. Tinatawag pa siyang 'pangit' kapag walang ibang nakakarinig.


At ngayon nga ay binubully na naman siya nito. Akala niya ay kung ano na ang sasabihin nito. Hindi na siya nasanay sa mga kalokohan nito.


Hindi siya nagsalita. Nakatingin lang siya dito hanggang sa tumigil ito sa pagtawa at tumitig na naman sa kanya. Sanay na siyang pinagtatawanan at niloloko nito. Ang hindi siya sanay ay sa mga malalalim na titig nito.


"May assignment ako sa Trigo. Ikaw ang gumawa." Walang abog-abog na utos nito.


Pinigilan niyang magpaikot ng mata. Sabi na nga ba. "Last sem ko pa tineyk yung Trigo, Boss. Baka nakalimutan ko na yun." Kalmado niyang sagot.


Nangangati siyang palabasin ito ng kwarto dahil nags-study din siya pero pinigilan niya ang sarili. Kinakabahan kasi siya na baka magalit ito.


"Are you saying no to me?" He asked in an authorative voice.


Patay.


Napalunok siya at sunud-sunod na umiling. "H-hindi sa ganon, Boss. A-ang ibig kong sabihin, ano, irerecall ko muna yung l-lesson tungkol dun. P-patingin na lang muna siguro nung assignment mo."


Napahinga siya ng malalim ng ngumisi ito. Ginulo ng amo ang dati ng magulo na niyang buhok. "Good girl. Pero pangit ka parin." Pang-aasar nito.

Ang bilis talagang magpalit ng mood nito.

Bago pa man ito magsabi ng kung anu-ano sa kanya ay kinuha na niya ang notebook na initsa nito kanina. Lihim siyang nagpasalamat ng makitang pamilyar sa kanya ang mga equation. Alam kasi ng amo na may-alam siya sa mga ganoon kaya inaabuso nito.


Bigla itong tumalon ng kama at tumabi sa kanya sa pag-upo. Walang imik na pinagpatuloy niya ang pagsagot sa notebook nito. Naramdaman niya ang pagdantay ng panga nito sa balikat niya. Parang kumikiliti sa kanya ang hininga nito na tumatama sa leeg niya kaya napausog siya ng upo palayo dito. Umusog din ang amo at idinantay na naman ang panga sa balikat niya. Umusog uli siya palayo.


Narinig na lamang niya ang padabog na pag-'Tsk' nito kasabay ng pagyakap ng dalawa nitong braso sa bewang niya.


"Bakit ka ba urong ng urong? Para kang tanga!"

"Eh, dikit kayo ng dikit."

"Bakit may angal ka? Ako ang amo dito kaya ako ang masusunod!"

"Ba't ka sumisigaw? Galit ka?"


"Ang arte mo kasi! Parang hindi ka na sanay na ganito tayo." May pagtatampo na sagot nito.


Nanahimik na lamang si Luna at hinayaan ang binatang amo. Kilala na niya ito. Kapag ganoon na ang tono nito, desperado lang itong hawakan siya. Kung nobyo niya lang ito, baka isipin niya na naglalambing lang ito sa kanya. Kaya lang ay wala naman silang relasyon. Hindi niya tuloy alam kung ano ang itatawag sa ginagawa nito.


"Boss?"

"Oh, bakit pangit?"

"Inaamoy mo ba ang leeg ko? Singhot ka kasi ng singhot."

"H-hindi no! A-ano, may sipon ako kaya singhot ako ng singhot! Wag ka ngang feeling! Pangit na to, tsk."

"Okay."

Katahimikan...

"Hmm.. You smell good."

"Ano yun, Boss?" Bigla ay tanong ni Luna sa amo. Hindi niya kasi naintindihan ang binulong nito dahil sa pagkakasubsob ng mukha ng binata sa leeg niya.

"Ha? A-ang sabi ko ang baho mo! Kahit may sipon ako, naaamoy ko parin ang libag mo. Maligo ka nga!"

"P-pero kaliligo ko lang, Boss. Kita mong basa pa ang buhok ko."

"Ah, basta ang baho mo. Tsaka ang pangit-pangit mo rin!"

"Pero Boss..."

Hindi na natuloy ni Luna ang sasabihin dahil bigla na lang tumayo ang binata. Kinuha nito ang isang unan at inilagay sa harap bago nagmamadaling lumabas ng silid. Bahagya pa siyang napaigtad ng padabog na isinara nito ang pinto.

Hayy. May pagkawerdo talaga ang amo niyang iyon...

ROOMantic Domination [On-Going]Where stories live. Discover now