Chapter 4 [022119]

2.8K 111 13
                                    

Tahimik ang loob ng kotse habang binabaybay nina Luna ang daan pauwi. Si Allaric ay tahimik lang at nakatuon ang atensiyon sa daan. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito. Gusto niya sanang mangusisa kung ano ang ginagawa nito doon sa party pero naalala niyang hindi pala sila nito okay. Pinili na lamang niyang libangin ang sarili sa pagtingin sa labas.

Biglang tumikhim ang katabi niya. Sandali niya lang itong liningon pagkatapos ay tumingin ulit siya sa labas. Tumikhim ulit ito, mas malakas nung una. Hindi na niya iyon pinansin.

"Hindi ka man lang ba magsasalita?" Biglang asik nito.

"Wala naman kasi akong sasabihin."

"Tss. Edi magkwento ka tungkol dun sa pinaggagawa mo sa party. Mukhang nag-enjoy ka, ah. Ang lapad pa ng ngisi mo habang nakalingkis sayo yung—ayy ptangina! Kaasar!" Hinampas ni Allaric ang manibela.

Doon na niya ito nilingon. "Problema mo, boss?" Kunot-noo niyang tanong.

"Wala!"

Nagkibit-balikat lang si Luna. "Ano pa lang ginagawa mo dun? Sabi ni Jean hindi ka naman daw niya inimbetahan." Walang pakundangang saad niya.

Tila natahimik naman si Allaric at hindi nakasagot. Tiningnan niya ulit ang binata. Siya naman ang natigilan ng may napansin siya sa mukha nito.

"Ano yang nasa mukha mo, boss?" Sinubukan niyang abutin ang mukha nito pero umiwas lang ito.

"Wala yan."

Hindi naman siya mapakali. Inilapit niya ang sarili dito at hinawakan ang pisngi nito. "Dahil ba to sa pagkakasampal ko sayo?"

Hindi ito sumagot. Hinimas niya ang pasa nito sa kanang pisngi. Alam niyang siya ang may gawa nun. Naalala pa kasi niyang namanhid din ang kamay niya pagkatapos niya itong sampalin. Ibig sabihin, napalakas talaga ang pagkakasampal niya dito.

"Sorry." She whispered in his face.

Kumunot ang noo ni Allaric. "Teka nga."

Bigla nitong inihinto ang sasakyan sa tabi at agad na humarap sa kanya. Magaan nitong pinisil ang magkabilang pisngi niya sa pagitan ng hinlalaki at mga daliri nito at inilapit ang mukha sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya ng singhot-singhutin nito ang nakaawang niyang bibig. Nagtagis ang bagang nito.

"Uminom ka bang pangit ka?"

Bigla siyang kinabahan ng makita ang galit nitong mukha. "K-kunti lang, dalawang shots lang naman."

"Kahit na. Hindi ka dapat umiinom. Alam mong magtatravel ka pa, isip-isip din pag may time!"

"Wala naman talaga akong balak uminom. Kaso namilit sila kaya pinagbigyan ko."

"Sinong tarantadong nagpainom sayo?"

"Yung mga blockmates ko, sina Venus tsaka si Marvin di—"

"Sino yung Marvin? Yung walanghiyang hinayupak na nakalingkis sayo kanina sa ptanginang picture na yun?!"

Napangiwi si Luna ng marinig ang sunod-sunod na mura ni Allaric. Ngali-ngaling batukan niya ito kung hindi niya lang naisip na amo pa rin niya ito. He is like a cussing machine, for pete's sake!

"Ano?! Hindi ka makapagsalita ngayon kasi totoong nagpaakbay ka sa tarantadong yun?"

"Walang malisya yun."

Umirap lang ang binata sa kanya at binitawan na siya. Binuhay nito ulit ang makina ng sasakyan at binabay ang daan. Tahimik na sila hanggang sa makarating sila ng masyon.

ROOMantic Domination [On-Going]Where stories live. Discover now