24:(Walang Tayo)

1.1K 47 0
                                    

Jaszmin's POV

Ilang buwan na rin ang lumipas at Hindi ko pa rin sya pinapansin

Ngayon na din pala ang card day

Nandito ako nakapila para makita Yung list ng mga grades namin

Names: Average:
1.)Chilliane Missy Youri= 98
2.)Jaszmin Kim = 97.55
3.)Tyler Zues = 97
4.)Ashley Gamboa= 96.76
5.) Lester Zues = 96

TF?!

Last time number One si Lester pero ngayon, FIVE?!

The hell I care?

Nang makita ko yun ay umalis na rin ako nang nakita ko sya na naglalaro ng bola, mag isa at pawisan

"What's happening to you?" Tanong ko

"You care huh?"

"Lester from top 1 you're now----"

Di natapos ang sasabihin ko ng biglang sumigaw sya

"Sige ipamukha mo pa! As if I care? Study study study, yan na lang lagi Yung ginagawa ko! Nakakasawa! Look at me now! I'm freely
happy"

"Masaya ka pala na napapariwara ka, na humihina ka?"

"Hindi ako mahina!"

"Talaga?"

Napipikon na ako

"Talaga bang Hindi ka mahina? Eh di sabihin mo Yung problema mo! Hindi yung nagkakaganyan ka!" Dagdag ko pa

"Don't act as if you care! Wala namang tayo! Walang tayo!" Sigaw nya

Naramdaman kong may kumurot sa puso ko. Parang dinudurog ito.

"Sa bagay, Hindi naman ako papatol sa tulad mo ngayon" sinabi ko yan tsaka umalis

Maya maya ay tumulo na ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan

"Jasz?"

"Tyler"

Tyler's POV

Agad kong pinuntahan si Lester sa court at tsaka sya kinwelyohan

"Lester mag Ayos ka nga! Di ka naman ganyan dati!" Sigaw ko sa kanya

"Nagsumbong si Jam? Ha! Loser yun!" Asar nya

"Lester you're the loser! You're acting so immature!"

"Ang mature mo naman Kuya!"

Naiinis na talaga ako, konti na lang maibabalibag ko na ito!

"Lester pinaiyak mo si Jaszmin! Pinaiyak mo yung pinsan ng mahal ko! Pinaiyak mo yung taong minahal at minamahal ka!" Saad ko

"Umiiyak sya?"

Tanga pala nito ehh. Alam nang sinaktan nya tapos magtatanong tanong kung umiiyak?

Umalis ang lokong Lester sa harap ko. Nagliligawan pa Lang naman sila Bakit kung makaasta, parang may sila na! Meron na bang sila?

Lester's POV

Shit, fvck, bobo, inutil, tanga, tarantado!

Hinanap ko si Jam at nakita sya sa corridor na umiiyak mag isa at nakatayo

Hindi ko alam ang ginawa ko Basta niyakap ko na lang sya mula sa likod nya.

Kumuwala naman sya

"Sorry" saad ko ngunit nakayuko lang sya "Sorry na, sorry sa mga nasabi ko, sorry if I'm acting like a jerk! Sorry!"

"Bago ka pa mag sorry napatawad na kita" Saad nya tsaka tumingin sakin

Halatang kakaiyak lang nya pero nakangiti sya. Isang totoong ngiti.

"Pinapatawad mo na ako?" Tanong ko

"Yes but not yet"

Ano daw?

"Yes pero Hindi pa buo! Paghirapan mo muna ako! Tsaka umayos ka nga! Ampangit mo! Mas gwapo ka kung good boy ang style mo Hindi pang adik" dagdag nya pa

Ganun ba hindi ka bagay sakin ang maging Bad Boy?

"Bad Boy style kaya toh!" Saad ko naman

"Adik style yan! Mag palit Ka na nga!" Sigaw nya at umalis na

"Jaszmin Kim!" Sigaw ko sa pangalan nya "Thank you and I love you!"

~~~~~
🐰❣️

Mr. Bad boy vs Mr. Nerd (COMPLETED)Where stories live. Discover now