Epilogue

1.9K 53 3
                                    

Chilliane's POV

Five months ago nanghina ako ng tuluyan dahil sa nangyari, sinabi sakin nila mommy and daddy na sa US na lang ako pero hindi ko gusto doon, Hindi rin naman pwede na pumasok ako lagi. Kaya si ma'am na ang pumupunta sa bahay at doon nya ako tinuturuan at pinagsasagot ng exam at quiz

Kahit na naka recover na ako sa operation ko ay hindi pa rin ako pumapasok, Hindi ako lumalabas at hindi rin nagpapakita kahit Kay Tyler, Lester o Jasz, binibigyan naman namin ng sweldo si ma'am dahil sa pagtyatyaga nya sakin at ngayon ay handa na akong magpakita

Araw ng recognition ngayon

Saktong pagdating ko ay tinawag ang pangalan ni Tyler na honor #4. Tinignan ko sya at nakita nya rin ako, bakas ang gulat nya kaya pagkababa na pagkababa nya ay hinanap nya ako pero nagtago na lang ako sa likod ng isang halaman

Ilang saglit pa at tinawag na si Jasz at Lester kaya ako na ang susunod

"And of course our honor #1! Chilliane Missy Youri!"

Huminga ako ng malalim at naglakad papunta sa stage

Nakita ko si Tyler, Jasz at Lester na nagulat kaya nginitian ko na lang sila

Pagkababa ko sa stage ay niyakap nila ako syempre nanguna si Jasz

"Akala ko Di ka susulpot! Dahil kung hindi, aba! Kakaladkarin kita mula US hanggang dito!" Salubong sakin ni Jasz

"Di naman ako nagpunta sa US" saad ko

"Hindi ba nagpagaling ka doon?" Tanong ni Lester sabay akbay Kay Jasz

"Sandali nga! Kayo na ba?"

"Chilliane, OO!" Sigaw ni Jasz na parang kinikilig pa

Nako nako! Itong batang toh!

"So Ano na? Sabi mo di ka pumunta ng US?" Tanong nanaman ni Lester

"Sa bahay lang...."

Ikinwento ko ang lahat at pagkatapos ko ay biglang umalis si Tyler

Ano problema nun?

Sinundan ko naman sya

Tyler's POV

"Tyler kung galit ka sorry. Tyler kasi---"

Pinutol ko ang sinabi nya sa pamamagitan ng isang halik

"B-bakit mo y-yun ginawa?" Tanong nya

"Chilliane sorry dun ah, na miss lang kita ni-Hindi ko alam kung saan ka hahagilapin, Wala kang paramdam, wala kang pasabi, hindi ko nga alam kung kilala mo pa ako, kung meron pang tayo"

"Tyler..."

Nagulat na Lang ako ng

Hinalikan nya ako

"Siguro sapat na sagot na yan para sa lahat" sabi nya

Ngumiti naman ako "Alam mo kababae mong tao nanghahalik ka!"

"Ayaw mo?" Tanong nya

"Kahit araw araw pa yan hindi ako hihindi, isa pa nga!"asar ko

Mr. Bad boy vs Mr. Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon