DRAG'S POV
"CCCCCUUUUUTTTTT! Gosh! What you did was extremely awesome! The best!" that gay said. Hell! I missed her so much. I want more. Bakit mo naman naisipang i-cut ng mabilisan!
Nakita kong nagliligpit na ang ibang mga staffs. Parang ang dali naman yatang matapos ng shooting ngayon. Pero mas okay na to!
I saw her na naglakad at kinuha ang jacket na nakalagay sa isang upuan. Isinuot niya ito at naglakad papalayo sa set. Ako naman, dali daling tumayo at sinundan ko siya. I dont care if topless ako, basta maayos ko lang ang gusot na to, hayst.
Naglalakad siya. Hindi naman siguro niya napansin na sinusundan ko siya. I walked as fast as I could at hinila ko siya. Sakto namang malapit lang ang daan papunta sa kwarto ko kaya wala akong magiging problema.
I really want to fix this thing right now.
"The hell! Bitawan mo nga ako!"
She keeps on shouting these words. God! Lady please calm down first. Kakausapin lang naman kita.
Nang makapasok kami sa kwarto ay agad kong ni-lock ang pinto. Hindi ko napansin na nabangga na pala siya sa pader dahil sa lakas ng pagkakahila ko. Narinig kong nagmura siya. She keeps on cursing while her hand is busy on carressing her back.
Dahan dahan akong naglajad papunta sa kaniya. Nakita ko siyang tumingin. Ngayon ay magkatagpo na ang kaniyang mga kilay. Nilakasan ko ang loob ko. Maayos ko rin to.
"Baliw ka ba?" sigaw niya. Sakto namang magkalapit kami kaya ki-norner ko siya. Hay, kung alam mo lang... Baliw na ako sayo. Baliw na ako sa kakaisip sayo.
"Bakit mo nga ako iniwan?" tanong ko.
"Ako? Nang iwan?" she asked.
"Sa hotel." I said.
Nanlaki ang kaniyang mga mata. Ngunit hindi ko alam kung bakit. Teka, hindi niya ba alam na ako ang nakakuha sa kaniya? Hindi niya bs maalala na ako ang nakasama at nakatabi niya noong gabing iyon?
"I-ikaw ba talaga yon?" she asked. Bigla siyang nanghina. Nahawakan ko ang kaniyang magkabilang braso kaya hindi siya tuluyang bumagsak.
"Okay ka lang ba?" muli kong tanong. Hindi siya nagsalita. Parang may naalala siya.
Nakita kong unti unting tumulo ang kaniyang mga luha. Ngunit hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kaya pinunasan ko na lang ito at hinagod ang kaniyang likod. Ewan ko pero parang hindi naman ako ang iniiyakan niya.
Hindi siya tumigil sa pag iyak. The only thing na ginawa ko ay ang pagyakap. I hugged her at hinaplos ang kaniyang buhok. Now, I think its not the right time para tanungin ko siya kung bakit siya umiiyak sa mga oras na ito.ZOE'S POV
"SORRY ha... Naabala pa kita."
Inabala ko pa talaga siya. Nandito kami ngayon sa lugar kung saan ko pwedeng ilabad ang lahat ng mga hinanakit ko.
Ilang mga araw na ang lumipas mula nang ikasal ang ex ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito maalis sa isipan ko. Ngunit nahiya ako dahil ngayon pa ako dinalaw ng pagka-emotional kong tao.
"Nung gabing yon kasi..."
"Hmmm?" napalingon naman siya. "I'm willing to listen." he said.