Kabanata 48

1.9K 38 0
                                    


 Drag's PoV       
Nang malaman ni Zie ang nangyari sa baby namin, halos araw araw siyang walang gana, hanggang ngayon.

        
Natapos na niya yung mga therapies para makalakad siya ulit. But until now, she's still sad. Mula nang gumising siya hanggang sa makauwi kami sa bahay ay wala akong nakitang ngiti sa mga labi niya. Ni sa mata ay walang wala.

Until now, hindi pa rin siya nakaka-move on. Ako rin naman, but I have to be more stronger for her. Even though it really really hurts for me na makita siyang ganito. Walang gana, laging umiiyak, laging malungkot.

        
And now, as usual, wala na naman siyang ganang kumain. Wala rin akong ibang naririnig na sinasabi niya tuwing mag uusap kami, its just 'wala akong gana, sorry'.

She's like that every single day. Kaya imbis na maghanda ako ng agahan, nagkakape na lang ako. Ganyan ang set up dito kada araw. And then I will saw her crying pag pinuntahan ko siya sa kwarto. I don't really know if what will I do, to make her smile again.

     
       
"Bigyan mo muna siya ng time bro. It's not that easy na maka recover sa nangyari sa kanya." payo sa akin ni Ford na siyang kausap ko ngayon mula sa kabilang linya.

       
Napa buntong hininga na lang ako. Siguro nga, tama si Ford. I need to give her some space para maka recover.

       
"Nga pala, nakita mo ba si Ginger?" tanong niya.

       
"Ginger? No. Since naka uwi kami rito ay wala kaming convo. Ni hindi niya ako tinatawagan. Nag-aalala na nga ako sa kapatid ko."

      
"Kasi naman, two days na ang nakalipas but she's still out of coverage. Remember the Mr. Clarros? Yung veteran actor na bumibida sa mga sikat na horror and comedy-action films? He sent this synopsis to me. He wants us na maging part ng bagong movie niya, including Ginger. But your sister as I said, di ko siya makontak."

      
"I'll call her. I'm sure alam naman to ng CEO diba, kung saan niya pinapapunta ang kapatid ko."

      
"Okay. We'll help you sa paghahanap sa kanya."

       
Nang mawala na si Ford sa linya ay pinuntahan ko naman si Zie sa kwarto.

       
Huminto ako nang makarating sa may pintuan. Pinagmasdan ko lang siya. Nakatulala, tapos iiyak na naman. Seeing her like that breaks my heart. Hindi ko na kinaya. Naglakad ako papalapit sa kanya.

     
Nang nasa harapan na niya ako, I wiped those tears on her cheeks and kissed her forehead. Hinawakan ko ang kanyang kamay at tiningnan ang mga mata niya.

    
"Baby, please eat."

     
Umiling siya.

    
"Wala akong gana. Sorry." sabi niya.
This line.

     
Umupo ako sa tabi niya. And then I heard she said something.

    
"Sorry." she said. She said something. Hindi lang yung wala siyang ganang kumain. Mukhang iba ang araw na to kumpara sa mga nagdaan. Pero bakit siya nag so-sorry?

    
"Why?" tanong ko.

    
"Dahil pabaya akong ina. Dahil sa akin, nawala ang anak natin. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko." and then she cried again.

    
"Shh... Wag mong sabihin yan. Kahit kailan ay hindi ka naging pabaya. Wala kang ginawang kasalanan Zoe, alam ko yon. Kaya wag mong sisihin ang sarili mo."

     
Mas lalo siyang umiyak. I hugged her. I need to make her feel that she's still special. Na kahit nangyari ito, hindi mababago ang tingin ko sa kanya.

     
"Kasalanan ko yon Drag."

     
"No, it's not. It's not your fault."

     
I touched her face. Nang magkaharap na kami ay tiningnan ko siyang muli sa mga mata niya.

    
"Baby, I know it's painful, it's not easy to forget about what happened. Pero hindi ibig sabihin noon na kasalanan mo na yon. I know its not your fault. At kahit pa man nangyari na ito, my love for you will never fade. Ako nga ang dapat sisihin dito. Kung hindi kita iniwan, edi sana hindi ito mangyayari. Hindi ka sana iiyak. I'm sorry." and then I kissed her lips.

    
"I love you. I don't want to see you crying. Ayokong nakikita kang malungkot. Please don't be sad. I'll be there for you always. I love you very much Zie." and another kiss on her lips makes her stop crying, for a little bit of time I think.

    
Nang tingnan ko siyang muli, ngumiti na siya. But still I can feel the sadness on her heart. But at least she smiled. That's the precious thing I have seen today. And I'll make sure that she will do it again tomorrow at sa mga dadaan pang araw.

      
It's not easy to lose the baby on her womb. But it doesn't mean that my love for her will change too. Mas  minahal at mas mamahalin ko pa si Zie. She's the only girl in the world for me.

       
Matagal ko nang napag-planuhan to. Hindi lang ako makahanap ng tamang tyempo. But I can wait, until my baby fully recovers. At kapag dumating ang araw na iyon, doon ko na siya tatanungin. I will ask her to be with me forever. I will ask her to be my wife, to be Mrs. Sandoval.

     

      

One Night Stand Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon