🌹 Kabanata 7 💀

36.4K 1.2K 607
                                    


The photos is not mine, credits to rightful owner of these pictures

Ivory's POV

Umiiyak ako ngayong araw ng kasal ko,hindi sa tuwa kundi sa inis dahil ang pinakamamahal kong bangs sa aking itim na buhok. Pinutol ng walang hiyang baklang iyon!

Hindi daw kasi bagay sa akin dahil nagmumukha daw akong ghost bride dahil sa mahaba kong bangs na halos tabunan na ang kalahati ng mukha ko.

Nakipagtalo pa nga ako pero sa huli ito ang nasunod kaya heto ako ngayon at nagluluksa dahil ang bangs ko na pinaghirapan kong patubuin,gugupitin lang pala ng lokaret na baklang iyon.

"Lady Ivory, wag na po kayong umiyak baka masira po ang make up nyo.." sabi sa akin ng babaeng katulong na inihabilin para may kasama ako. Narito kasi ako sa kuwarto at hinihintay nalang yung sundo na maghahatid sa amin sa simbahan.

Wala akong pakialam kahit masira pa itong make up na sa mukha ko! Parang hindi nga ako nakamake up dahil very light lang ito. Hindi parin ako tumigil sa pagngawa hangang sa may kumatok sa pinto.

Pinagbuksan ito ng katulong at dun pumasok ang Mommy ni Heaven na nakabihis na at bumagay sa kanya ang damit na pinaghalong itim at puti. Bagamat medyo may umbok na ang tiyan nya dahil nga sa buntis na ito ay sexy pa rin syang tignan.

"Iha,bakit umiiyak ka?" Nag-aalalang tanong nya sa akin,pero hindi ako sumagot at mas ngumawa pa ako.

"Lady Heva, kanina pa nga po sya umiiyak,ilang beses ko na po syang pinatahan pero hindi parin sya timitigil" sabi ng katulong.

"Teka,bakit nga ba sya umiiyak?"

"Kasi po pinutol po yung bangs nya nung hairstylist na bakla" Sagot nung katulong,natawa naman si Mam Heva bago lumapit sa akin at hinaplos ang aking buhok. Napanguso tuloy ako para hindi ipahalata na gustong gusto kong hinihimas ang ulo ko.

"Iha,ayos lang na putulin yung bangs mo,mas maganda kang tignan kapag maaliwalas at walang tumatakip na buhok diyan sa mukha mo. Alam mo ba ang sabi ng anak kong si Heaven, ang pinakanagustuhan nya daw sa mukha mo ay ang mga mata mo ganun din ako kaya mas bagay talaga sa iyo ang nakikita ang kabuuan ng mukha mo."

Mahabang paliwanag sa akin ni Mam Heva,hindi ko tuloy mapigilan na malito,dahil ang sabi sa akin ni Mama ay pangit daw ako kaya nararapat lang daw na itago ko ang mukha ko para hindi ito makita ng tao pero sa sinasabi ng mommy ni Heaven ,napagisip-isip ko tuloy kung maganda ba talaga ako sa paningin ng iba.

______

Matapos ang maselan kong pagdadrama,heto ako at nakatayo sa harap ng pintuan ng simbahan. Ano mang sandali ay magbubukas na ito hudyat para maglakad na ako patungo sa altar.

Hindi nga ako nagkamali dahil nangyari na nga,sa pagbukas ng malaking pintuan ng simbahan ay tumambad sa akin ang mga bisita na nakafocus ang tingin sa akin.

Wala akong kakilala ni isa sa kanila pero base aa tingin nila,ang iba ay natutuwa at namamangha pero karamihan sa mga babaeng bisita na kaedad ko lang din yata ay masama ang tingin sa akin.

Kung alam lang nila,hindi ko naman gustong magpakasal sa lalaking yun! Kung pwede lang sila ang pumalit sa akin dito.

Nagsimula na akong maglakad palunta sa altar at kinakabahan ako dahil nakikita ko ngayon ang isang napakaguwapong lalaki sa tanang buhay ko. Bumagay sa kanya ang itim nyang tuxedo na pangkasal nya.

 Bumagay sa kanya ang itim nyang tuxedo na pangkasal nya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Mafia's Scary Wife ( Deathrone #2 UNDER REVISION) Heaven Creed DeathroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon