Chapter 5

458 6 0
                                    

"That's bullshit. Cancel her candidacy! I don't want my daughter to join that election!"

Nanatili akong nakapikit habang nakikiramdam sa paligid. Nang makasigurong hindi na ako nahihilo at maayos na rin ang pakiramdam ko ay sinubukan ko ng dumilat.

"D-Daddy!" Gulat kong sabi.

Agad niya akong dinaluhan at iniwan si Grant na nakatayo sa dulo ng hinihigaan ko.

What the hell happened? Ang naaalala ko lang ay ang pagkahilo ko habang naglalakad papunta sa sasakyan kung saan naghihintay ang mga magulang ko.

Why is Grant Chua here? In the... hospital!

"Sir, mauuna na po ako. I'll talk to our current President to cancel her candidacy." Magalang niyang sabi bago ako tapunan ng malamig na tingin.

"Huh? What? No!" Protesta ko nang maintindihan ang sinabi niya.

"You're risking your health just to join your campus' election? It's a no, Brey! Stop that crap!" Mariing sabi ni Daddy.

"Daddy, please... I-I want to..." Hindi ko na napigilan ang panunubig ng mga mata ko.

Nanatiling nakatayo si Grant malapit sa pinto ng kwarto. Hindi alam kung lalapit ba o lalabas na. Biglang bumukas ang kwarto at pumasok si Mommy kasama ang isang nurse.

"What's happening, Hon?" Ani mommy na agad akong dinaluhan.

"She's stressed bacause of their on going campaign! I want her to quit." Umiiling na sabi ni daddy.

"Mommy, I want to join. Please... I j-just want-" Halos hindi ko na matapos ang sinasabi dahil sa paghikbi.

"Shh. Breathe, darling... It's okay, you'll join." Marahang pinunasan ni mommy ang pisngi ko.

"Honey! Tell her to quit!" Galit na sabi ni daddy.

"Alexander Yu, your daughter isn't feeling well." Mariing sabi ni mommy. Daddy stayed silent for a few seconds.

"Okay, hijo. Let her run. She won't quit anymore. I'm sorry for my words." He said firmly. Grant nodded.

"It's okay, Sir. Mauuna na po ako... Aubrey, take a good rest." Aniya nang bumaling sa akin bago lumabas na sa kwarto.

Nanatiling tahimik ang kwarto dahil hindi na nagsalita sila mommy at daddy. Nahuli ko silang nagtititigan ngunit hindi mabasa ang nais ipahiwatig. Sa huli, inaya na nila akong umuwi dahil pupwede naman daw na sila nalang ang mag-alaga sa akin sa bahay.

"Just make sure that you'll take care, darling. H'wag kang magpakapagod." Bulong ni mommy nang ihatid ako kinabukasan.

Dahil hindi parin ako kinakausap ni Daddy ay nanatili lang akong tahimik habang nakatingin ako sa bintana ng sasakyan. Ramdam ko na ang sakit ng leeg ko ngunit nanatiling ganoon pa rin ang ayos ko.

"Darling, be home before six." Ani mommy nang makababa na ako.

"Yes, mom." I smiled sadly.

Idinipa niya ang mga kamay habang nakatayo pa rin sa pintuan sa front seat. Agad akong kumapit at yumakap sa kaniya. I love my mom, so much!

"Go, kiss your dad. Hindi ka rin matitiis niyan." Mommy whisphered when she kissed my cheeks.

I sighed before walking in daddy's side. I knocked then he put the window down. Not looking at me.

"Daddy, I love you..." I whisphered. My eyes watered.

He sighed then open the door.

Umatras ako ng kaunti para magbigay ng daan sa kaniya.

"Give me a hug." Walang emosiyon niyang sabi.

"I'm sorry, dad." Bulong ko habang nakayakap sa kaniya.

"I didn't agree with this but I'll let you do what you want... Just make sure that you'll not push yourself when your tired. That's an order, anak." He said then kissed my forehead.

"Yes, daddy."

"O siya, pumasok ka na. Oh!" Napalingon ako kay daddy na lumagpas ang tingin sa likuran ko.

Lumingon na rin ako sa likuran at nakitan kabababa lang ni Grant mula sa itim niyang Ducati. Hmm, new toy? Nagmukha siya lalong badboy dahil sa leather jacket niya.

"Good morning, Mr. and Mrs. Yu." Grant slighty bowed his head to show respect.

"Good morning, Grant, we'll go ahead. Take care of my daughter for me, okay?" My eyes widened on how mommy talk to Grant.

We're not even close! That snob!

"Mommy..." I bit my lips when Grant's eyes bore into mine.

"Why? Is it okay with you, hijo?" Pilit ni mom.

"Yes, no problem, ma'am." He smiled a bit to show that it's really okay for him.

Lumingon ako kay daddy na mukhang alam ang gusto kong sabihin.

"Hindi na. Maaabala pa yung bata, Hon." Iling ni daddy at iginiya na si mommy sa loob ng sasakyan.

"Sir, it's okay. I'll make sure that she won't strain herself again." Ani Grant bago pumasok si daddy sa sasakyan.

"Ikaw ang bahala. Thank you." Daddy tapped his shoulder before he closed the door and started the engine.

He sighed deeply. Why does he always react like that when we're together? Ganoon ba nakakainis o nakakawalang gana yung presensya ko? I don't know if he's annoyed or just tired of seeing me everyday.

Lumingon ako sa kanya habang inaayos niya yung buhok niya sa salamin. Nagiwas ako ng tingin nang umayos na siya ng tayo at nagsimulang maglakad.

I stared at his back while he walk towards our building entrance. Ang gwapo pa rin kahit nakatalikod!

I smiled when I saw him greeted the security guard. I felt a pinch on my heart. Bakit kapag ako, hindi siya makangiti ng ganyan?

"Aubrey Yu! Hindi ka ba papasok?" Napapitlag ako dahil sa gulat. Ang lakas ng tapik ni Ginny sa balikat ko! This girl!

"Ginny! You startled me!"

"Tulala ka kasi dyan. Let's go!" Aniya at hinila na ako papasok.

Lumingon ako sa elevator kung saan kasasakay lang ni Grant. Sa second floor lang naman yung klase namin kaya naisipan kong hatakin na si Ginby papunta sa hagdan.

"Damn, why don't we just go-"

"Gin, second floor lang yung class natin. 'Wag maarte." Irap ko.

Umirap lang din siya habang naglalakad na kami paakyat. Damn it. Why am I doing this? Ah! My heart's beating faster again. That Grant Chua!

Nang makapasok ay nanlaki ang mga mata ko nang makitang may pinagkakaguluhan sila sa mesa ko.

"Excuse us, people!" Sigaw ni Ginny.

A bouquet of red roses in my desk. What the hell?

A beautiful flower for a beautiful lady like you. Have a good day!
P.s. We have a meeting after class.

Napakunot ang noo ko dahil sa nabasang note. Walang pangalan! Great! Ano 'to? Movie? Novel? Ang cliche man ng ganitong move, nakakaintriga pa rin talaga ha!

"Sino kaya 'to? Nakita n'yo kung sinong naglagay?" Ginny asked.

"Si Grant Chua!" Damn. My heart boomed.

Sabay-sabay kaming lumingon sa kaklaseng sumigaw.

Chasing Pain (SMA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon