Chapter 23

319 4 0
                                    

Nagising ako sa ingay ng sunod sunod na katok sa pintuan ng kwarto ko.

"Aubrey, madali ka at darating na ang lola mo!" Sigaw ni Manang mula sa labas.

Shit! I forgot! My terror but sweet grandma is coming home! Oh my God!

"Opo, gising na!" Sigaw ko para marinig sa labas.

Nagmadali akong maligo at magbihis. It's Satuday and I should be sleeping right now. Wrong timing umuwi si Mamu!

Bumaba ako suot ang isang manipis na t shirt at isang kulay itim na cotton shorts. Inaantok pa ako! Send help.

"Sakto ang baba mo, nariyan na sila sa labas. Kadarating lang," Sambit ni Manang habang iginigiya ako papunta sa pinto.

"Asan na ang apo ko?" Tanong agad ni Mamu pagkalabas ng sasakyan.

"There she is, Ma." Turo ni Mommy sa akin.

"Mamu!" I happily said as I run towards her.

"Therese!" Galak niyang sabi.

"I miss you, Mamu!"

"Na miss din kita, apo ko!" She said while hugging me tighter.

"Where's Papu?"

"Hay naku! 'Wag mo ng hanapin!" Inis niyang sabi.

"Nag away po kayo?" Sambit ko habang hinahaplos yung likod niya.

"'Wag na nating pag usapan, Therese, at tumataas ang dugo ko!"

"Okay po, Mamu, kalma ka na." Nangingiti kong sabi.

Umiling naman sina Mommy habang nangingiti. Lumapit ako sa kanila nang magsimula na makipagkwentuha si Mamu kay Manang.

"Good morning, Mommy," Bati bago yumakap at humalik sa pisngi niya.

"Good morning, darling,"

"Good morning, Dad," Bati ko kay Daddy na nagpupunas ng antipara niya.

"Good morning, tara na at maaga pa kami sa ospital." Aya niya.

Nauna na si Mommy kaya magkasabay kaming pumasok ni Daddy sa loob. Dinig ko ang mataas na boses ni Mamu mula sa sala dahil sa galit niya. Ikinukwento ata kay Manang kung bakit wala si Papu.

"Nakakabwisit! Bahala siyang mag alaga ng mga manok niya roon! Minsan na nga lang bibisita sa apo niya ay mas inuna pa ang manok!" Litanya pa niya. Napasapo ako ng aking noo sa narinig.

Manok versus apo. My God! Ano ba naman 'tong si Papu! Kaya sila nag aaway ni Mamu e. Alam niya namang madamdamin ang mahal niyang asawa, hindi pa nagawang pagbigyan.

"Do you hear that? I'm sure you'll be like your Mamu when the time comes." Biro ni Daddy kaya napalabi ako.

"Hindi kaya, Dad. Ayokong makipag away sa asawa ko dahil sa manok." Umirap ako.

"Edi mag asawa ka ng walang alagang manok, kung ganoon." Kibit balikat niya bago umupo sa hapag.

"Daddy! Ang korni!" Maktol ko habang umuupo na sa tabi ni Mamu.

"Bakit ba inaalaska mo itong apo ko, Alex?" Ani Mamu nang yumakap ako sa braso niya.

"Hindi naman, Ma." Napakamot ni Daddy sa noo niya.

"'Wag daw ako mag asawa ng may alagang manok, Mu." Paawa ko pa. Pinanliitan ako ng mata ni Daddy.

"Hindi-"

"At bakit? Nakita mo naman, hindi kami naghiwalay ng asawa ko kahit ganoon 'yon." Ani Mamu at malakas pang binuksan yung malaki niyang pamaypay.

"Ma, kain na." Suway ni Mommy.

Chasing Pain (SMA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon