Chapter 31

339 7 0
                                    

I'm not used with this kind of parties. It felt so awkward! But, thank God, Julio didn't leave my side. Akala tuloy ng mga kakilala niyang businessmen ay girlfriend niya ako. Issue! Nagulat pa ako kanina nang makita ko si Tito Ziggy, my mom's cousin. Siya yung Daddy nina Euly.

Lalapit sana ako para bumati kaso may nagiinterview pa sa kaniya kaya hindi na ako tumuloy.

"You want some sweets?" Bulong ni Julio.

Tumango ako bilang sagot.

"Pupunta muna ako sa powder room."

"Okay, let's go. Sasamahan kita." Aniya at inalalayan akong tumayo. Nanatiling nakahawak yung kamay niya sa bewang ko.

Hinayaan niya akong pumasok sa powder room. Inilabas ko yung press powder ko para mag ayos ng kaunti. Mabilis din akong lumabas pagtakapos. Nakita ko siyang may kinakausap na babae kaya hindi agad ako lumapit. Kinabahan ako habang unti unting naaalala kung sino yung babaeng nasa harap ni Julio ngayon.

"Julio," Tawag ko.

"Engineer," Sinalubong ako ng matamis na ngiti ni Julio.

Agad siyang lumapit at hinawakan ako sa bewang para alalayan. Iginiya niya ako sa harap ng gulat na si Claudia Gabriel.

"Claudia, she's my date. Engineer Aubrey Yu." Ngumiti ako at naglahad ng kamay.

"Oh, hi." Pilit siyang ngumiti at mabilis na nakipagkamay.

"Aubrey, she's my brother's girlfriend." Utas ni Julio.

His brother? Does that mean, Claudia and Grant already broke up? Or... Is he Grant's brother?

Naalala ko bigla yung una namin meeting sa restaurant. Hindi maalis sa isip ko na talaga ngang kamukha niya si Grant pero ipinagsawalang bahala ko iyon.

"Pagod ka na ba?" Bulong ni Julio na bahagya pang yumuko para maabot ang tenga ko.

Sasagot na sana ako nang biglang may sumulpot na bata malapit sa amin.

"Mommy!" Sigaw ng bata. Nalipat ang atensiyon naming tatlo sa batang babae na tumatakbo papunta sa kinaroroonan namin.

Kasunod niya ang lalaking matagal ko ng gustong kalimutan.

That was...

"Claudette, I said stop running!" Halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko nang makita kung sino yung nagsalita.

Infront of us was the great Grant Dominique Chua wearing a properly ironed classic tux. Looking good as always.

"Mommy, Dada doesn't want to give me sweets." Pagsusumbong ng bata.

Nanatili lang akong nakatulala, gulat sa nangyayari.

"Mabubungi ka. Gusto mo ba 'yon?" He asked. Hindi niya pa kami binabalingan dahil tutok ang atensiyon niya sa mag ina.

"Kuya!" Gulat na sabi ni Julio.

Kita ang kaba sa mga mata ni Claudia habang nagpapalipat lipat ang tingin sa aming tatlo.

"Akala ko hindi ka makakapunta?" Kunot noong sabi ni Julio bago bumaling kay Claudia.

"What do you mean? Bakit naman ako hindi pupunta?" Naguguluhang sabi niya sa kapatid bago bumaling sa akin. Galit at pagkabigla ang tinging iginawad niya sa akin.

"Claudia said..." Hindi tinuloy ni Julio ang sasabihin niya dapat.

Mariing tinitigan ni Grant si Claudia na namumutla na sa dahilang hindi ko alam.

"Anyway, Kuya, she's Engineer Aubrey Therese Yu, my date." Masayang sabi ni Julio.

Sinikap kong lunukin yung mga salitang gusto kong sabihin ngunit hindi mabuo. Ngumiti ako para pagtakpan ang kabang nararamdaman at nag lahad ng kamay.

Chasing Pain (SMA #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon