VII. Girlfriend Who?

455 44 15
                                    

Gal

"Bakit ba Ike 'SONJA' ang name mo?" tanong ko bago humigop ng sabaw na nasa kutsara.

"E, bakit, ikaw? Ba't 'Galeley' ang sa'yo?"

My eyes turned into slits as I gave him a look.

"Duh? Haven't you read the Bible?"

Obviously, my name was derived from the place Galilee, which is found in the Bible. Kay Ike naman, hindi ko alam. Nawe-weirdo-han ako sa pangalan niya. I mean, Sonja sounded weird and funny to me. I don't know why.

"Right," sabi niya na lang at dinagdagan pa ng kanin ang pinggan ko. Hindi na rin naman ako nagreklamo dahil mukhang mapaparami talaga ang kain ko ngayon. Ang sarap ng niluto niyang sinigang!

Sumubo muna ako at ngumuya bago nagsalita ulit.

"So, bakit nga 'Sonja'?" I chuckled a bit when a thought came into my mind. "Let me guess... 'Jason' sana 'yan, 'no? Binaliktad lang at ginawang 'Sonja' para maging unique!"

Tuluyan na akong humalakhak.

Jason. Sonja. 'Di ba?

Mas lalo lang akong natawa. I only stopped when I saw him smirk.

"Dyan ka nagkakamali."

Masyadong confident ang pagkakasabi niya no'n kaya nacurious tuloy ako.

"O, edi ano pala?"

"Hulaan mo," nakangisi niyang sabi bago sumubo mula sa kutsara. Ang daming pakulo nito!

"Jason nga!" I insisted. Umiling siya nang mabilis at saka lang sumagot nang malunok niya na ang kanin.

"Obob. Didn't you realize it? Ipinaghalo ng parents ko ang pangalan nila kaya ako naging Sonja."

Hindi ko alam kung kumunot ba ang noo ko because he low key called me 'bobo' o dahil medyo nag loading ako sa sinabi niya. It took me seconds before I got what he meant.

Ericson. Jazz. SonJa.

My lips formed a small 'o'. And then I shrugged.

"Close enough pa rin 'yung hula ko."

Sumubo ulit ako ng kanin habang tumango naman si Ike. Binigyan niya ako ng isang nakakalokong tingin na siyang ipinagtaka ko.

"Oo na lang. You look good in my shirt, anyway."

His eyes landed on my upper body and my eyes widened.

"Gago ka, ah!" sabi ko kahit hindi pa tapos ang pag nguya. Punong puno pa naman ng kanin ang bibig ko pero wala na akong pake.

He laughed and held the pitcher of water. He poured some on my glass.

"Babe, hinay hinay naman. Chill," aniya, natatawa. Umirap ako pero hindi na lang din nagreact sa pagtawag niya sa'kin gamit ang endearment. Nakakapagod nang mag react palagi! Hayaan ko na lang!

So, about his shirt. I really am wearing it. We just thought of it as a "tradition". Because the first time we had a lazy date, natapunan ng juice yung shirt ko kaya ipinasuot niya sa'kin ang isa sa mga damit niya. Kaya since then, parang nakasanayan na namin. We happened to talk about it just an hour ago, while I watched him cook so I decided to try one of his shirts again for old time's sake.

24 Hours Challenge: EX EDITIONWhere stories live. Discover now