XII. Snippets

677 48 55
                                    

Gal

"O, ba't maga 'yang mga mata mo?"

Napatigil ako sa tanong ni Papa. Kakakuha ko lang ng tubig sa ref habang siya naman ay kumakain ng agahan. He's in his corporate attire now, which means he's off to work.

Ang aga ko pala talagang nagising kahit matagal akong nakatulog kagabi sa kakaiyak. It's still 7 in the morning.

I cleared my throat.

"Nanood lang ng movies kagabi, Pa," palusot ko. Ramdam ko ang pagtitig niya sa'kin sandali, tila ba naninimbang. But eventually, he nodded.

"Sino naghatid sa'yo? Sina Care ba?"

Great. He probably thought I went out with the gang.

Uminom muna ako ng tubig bago humarap sa kanya.

"Si Ike, po."

I didn't need to elaborate. Kilala naman na kasi ni Papa si Ike. But he doesn't know about us. I never told him. Pero kung may napansin man siyang kakaiba sa amin no'n, ewan ko.

He paused for a second before replying.

"Tagal ko nang hindi nakikita 'yung batang 'yun, ah," aniya, tumatayo at nililigpit ang pinagkainan. "Papuntahin mo naman dito minsan."

'Over my dead body', I bitterly thought.

Medyo nagtaka rin ako sa ibig niyang sabihin. Does he mean Ike and the rest of the barkada? O... si Ike lang?

Either ways, tumango na lang din ako at ibinalik ang pitsel sa ref. Sabay kaming naglakad ni papa patungo sa sala. He then reached for his briefcase before giving me a kiss on the forehead.

"I'll see you at dinner, sweetie."

I felt a surge of emotions run through me. Parang gusto ko ulit maiyak. Kaya nang hahakbang na sana siya palayo ay mahigpit ko siyang niyakap. Natigilan siya dahil do'n. Pero 'di kalaunan ay niyakap niya na rin ako palapit.

"Woah," natatawa niyang sabi. "Everything okay?"

Napapikit ako ng mariin. I endulged on the warmth of his chest against my cheek. I've always been a daddy's girl. Siguro ay dahil wala naman akong choice. Siya lang naman talaga ang meron ako simula pa no'n. He's a single dad and he's pretty good at it. Kahit kailan, hindi siya nagkulang.

"Everything's fine," I whispered, finally letting go. Tinitigan niya 'ko sandali.

"Are you sure, Galeley?"

No.

"Yes."

Hindi ko alam kung nakumbinse ko ba si papa na paniwalaan ako. Basta ay hindi na siya nagtanong pa. I don't know if he's just giving me some space, but if he is, I really appreciate it.

Nang makaalis ay pumanhik na 'ko sa sariling kwarto. All I want to do today is sulk. Hindi man totoo yung sinabi ko na nanood lang ako ng movies kagabi, pero 'yun naman ang plano kong gawin ngayong araw.

So that's what I did. I watched one movie after another, nag brunch ako bandang alas dose. And then back at it again. Nang makaramdam ng umay ay in-off ko na lang ang laptop at humiga sa kama. I stared at the ceiling, my mind drifting somewhere else.

Napabuntonghininga ako.

I'll admit, yesterday was fun.

Every single moment I spent with Ike seem to play on the white space above like a movie scene, as I find myself recalling each one of them.

24 Hours Challenge: EX EDITIONWhere stories live. Discover now