ISM 2. Anghel sa lupa?
--
*GULP
"Salamat." Kinuha nya yung panyo sa kamay ko at ipinunas ito sa mukha nya.
Ako naman natigilan sa kinatatayuan ko habang nakatingin lang saknya. *gulp
Ilang beses na ba akong lunok nang lunok dito? >.<
Napakaganda nya.
*dubdugdubdug
Bakit ganun ang bilis ng kabog ng dibdib ko, may sakit kaya ako sa puso? O__O
"Hey, okay ka lang?"
Bigla akong bumalik sa katinuan nung magsalita sya. Pati boses nya, may epekto sakin. Ugh.
"O-okay lang." Sinubukan kong tumawa, pero epic fail.
Aish. Bakit ba ko nauutal. >.<
"Salamat nga pala sa panyo." Tumayo sya at inabot yung panyo sakin tsaka tumingin sa mga mata ko. "Sige alis nako."
YOU ARE READING
If She's Mine
Teen FictionIf she's mine everything would be perfect as it is. - Patrick (Not yet edited)