Kabanata XIX

125 7 0
                                    

Kabanata 19

After what happened, we both fell asleep.

Buti na lang ay hindi ko nakalimutan mag set ng alarm bago kami matulog. Naiisip ko na mahihirapan nga kami sa pagbangon.

Tulog pa si Jaceson at hindi nagising sa alarm.

Bumangon ako at naligo muli para gumayak sa pupuntahan. Nagdala na ako ng damit sa cr kaya't paglabas ay nakabihis na ako. Simpleng damit lang ang isinuot ko, normal and plain tube dress. Kahit medyo nahihirapan ako sa paglakad at pagtayo ay pinilit ko dahil hindi puwedeng hindi ako pumunta.

Paglabas ay gising na si Jaceson ay naghahanda na rin para sa pag-alis namin.

"You sore? We can stay if it hurts down there. We can resched, you know." Aniya habang inaayos ang kanyang nagulong buhok.

Umiling ako. "I'm fine, ituloy na natin ito. Para hindi na hassle."

Pumunta ako sa salamin at nag ayos ng sarili. Light make-up lang ang ginawa ko since pirmahan lang naman ng kontrata. Pero kailangan din magmukhang desente ang mukha ko dahil syempre ay hindi maiiwasan ang magpicture mamaya.

"I'll punch that Patrick's face when I see him. He's rushing you."

Nung una ay nagtaka pa ako kung sinong Patrick ang tinutukoy niya pero napagtanto ko na si Ma'am Patricia iyon.

Umiling ako at sinamaan ng tingin si Jaceson. "Ako ang nagsabi na ngayon na mismo."

"At pumayag naman siya? Tss."

Pagkayari ng ilang usapan ay bumaba kami ni Jaceson, hinanap agad ng mata ko si Ate Leslie.

"Manang Ester, si Ate Leslie po?" I asked one of our maids.

"Nasa kanyang kuwarto nagbibihis na."

Tumango ako at hinayaan siyang umalis sa harapan ko.

Habang naghihintay ay naisipan kong ayain na muna si Jaceson sa garden. Umupo kami sa isa sa mga upuan doon.

"You know, I'm really planning our future house."

Nanlaki ang mata ko at gulat siyang tiningnan. "J-Jaceson, really?"

Tumango sya at dinilaan ang labi nya. Mas lalo no'ng naipakita ang kapulahan ng kanyang labi. Umiwas ako ng tingin doon.

"Yes, we're aging. At kailangang nakaplano na rin ang mga mangyayari sa future. Mabilis lang ang panahon, dapat hindi na natin sinasayang. Kaya nagpaplano na ako."

He looked at me. Nagbaba ako ng tingin sa kanya.

"How sure are you na ako ang kasama mo sa future?" Tanong ko.

Tipid siyang ngumiti at tinikom saglit ang kanyang bibig bago nagsalita. "Bakit? 'Di ka ba nagtitiwala sa pagmamahalan natin?"

Tumawa ako roon. "Paano kung may makikilala ka pang mas better kaysa sa akin? Yung mas... mahal ka."

Hinapit niya ang baywang ko at mas lalong inilapit sa kanya. Hinaplos niya pa ng ilang beses ang baywang ko bago ako sinagot ng isang bulong.

"For me, you're the best. Nothing beats you in my heart."

Nangiti ako roon. Sana lang ay hindi maantala ang mga sinasabi mo, Jaceson.

"Danah..."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses, si Ate Leslie ang naroon. Nakasemi-formal siyang damit.

Tumango naman ako sa kanya sabay ngiti. Tinanggal ko ang kamay ni Jaceson sa baywang ko at naglakad palayo sa kanya para pumunta sa parking ng aming bahay.

Sell Down the River (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon