Kabanata XLVI

142 4 0
                                    

Kinagabihan ay hindi ko binigo sina mommy at daddy. Nagpunta ako sa bahay kasama sina Shawn at Leila samantalang si Zephyr ay nasa unit ko at inaayos ang mga pruweba na nalikom namin. Sinisimulan na rin niyang isa-isahin ang mga nagiging kaso ni Jaceson para kapag natapos na ang linggong ito ay maayos na ang magiging daloy ng mga susunod na mangyayari.

"T-Tuloy kayo..." Si mommy mismo ang nagbukas ng pinto which she doesn't usually do. Ang mga katulong ang nagbubukas ng pinto lagi. Pero sa pagkakataong ito ay si mommy na mismo. And I'm happy.

Pumasok kami nina Shawn at Leila. Walang pagbabago sa bahay bukod sa mas naging marami ang mga gamit doon. Kahit pa hindi na rito nakatira sina Ate Desie at Kuya Daryl. Ang tanging nakatira nalang dito ay sina mommy at daddy kasama ang mga katulong. I felt sad for them. Kung ako ang narito, hinding-hindi na ako aalis sa tabi ng magulang ko. I'd rather stay here with them than be with someone else I'm not sure the personality was.

Bumeso kaming tatlo kina mommy at daddy. Ramdam ko na ang nag-uumapaw na emosyon mula kina mommy at daddy. Iginiya kami papunta sa dining area. Wala namang bago at doon pa rin nakapuwesto ang dining area. Pagtapak palang namin doon ay amoy na ang bago ng iba't-ibang klase ng pagkain. Nakahain na iyon sa lamesa at maraming putahe. Halatang pinaghandaan ang gabing ito. Hinayaan kaming umupo sa dining area habang inaasikaso pa kami ng ibang katulong. Sina mommy at daddy ay naupo na rin kahit may ipinag-uutos pa sa ibang katulong.

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Leila. Nilingon niya naman ako at nginitian. I sighed and nodded.

"H-Hija, kung may gusto pa kayong p-pagkain, sabihin nyo lang at i-ipapaluto ko." Mommy said.

I smiled and shook my head. "Ayos na po ito, sobra s-sobra pa nga po eh."

They smiled genuinely.

"S-Sana magustuhan m-mo, kami ang n-nagluto ng iba d-dyan." Si Daddy.

"Kain na kayo..." Si mommy.

Kahit awkward ay sinimulan na rin naming kumain. Tandang-tanda ko pa kung ano ang lasa ng luto nilang dalawa. Nanggigilid ang luha ko habang nginunguya ang pamilyar na lasa ng luto nila.

"Are you okay, Keilah?" Mommy asked.

Nagulat ako pero umaktong normal. "O-Opo..."

"You have the same reaction as Danah whenever we are cooking for her." Sabi ni mommy.

Nasamid ako pero nakabawi rin. Inabutan naman nila ako ng tubig. Ininom ko nalang.

"May pinsan ka pala na kamukha ni Danah, Leila?" Mommy asked to Leila.

Leila nodded. "Opo, tita. Actually, hindi ko rin po alam na may pinsan ako na nasa ibang bansa. Lately ko lang din po nalaman kasi umuwi na rin po ang pamilya ni Keilah sa Pinas dahil nagretiro na ang kanyang mga magulang."

"Gaano na siya katagal rito sa Pinas?" Mommy asked again.

"Dito po pinanganak si Keilah. Pero nung 9 years old na po sya, saka po sila nag-migrate. At ngayon palang po ulit sila nakabalik ng Pinas."

"And she's your cousin, too, Shawn?" Mommy asked.

Shawn shook his head. "Sa Dela Merced po kami magpinsan ni Leila. Sa Cortez po sila magpinsan. Mother side po ako tapos father side po si Keilah."

Mommy nodded. "Nakilala kana ba nina Yna at nila Jaceson?"

"Opo, nagkakausap na po kami dahil naging kliyente na po ako ni Jaceson." Pahayag ko.

Mom cleared her throat. "A-Anong sabi n-nila? They p-probably told you some t-things about our d-daughter?"

"They said she committed suicide..." I only said.

Sell Down the River (EDITING)Where stories live. Discover now