Kabanata XXV

117 7 0
                                    

Kabanata 25

"Wala akong kasalanan. Kung meron mang may kasalanan, si Dennis 'yon." I said without being bothered by her presence at all.

"Dinadamay mo pa talaga? Kasalanan nyo yon, hindi lang ni Dennis dahil parehas kayong involve."

"Hindi ako ang nauna, Clarisse. Siya ang nag-aya sa date na iyon kaya wala akong kasalanan." Tinaasan ko sya ng kilay. "And as what you've said, we're both involved. Paanong sa akin ka lang nagagalit?"

Tinulak nya ako sa sobrang inis. Napaatras ako roon, kahit babae sya ay may pwersa pa rin.

"You're the main reason! You entertained him!"

"Hindi ko alam na may girlfriend sya."

"So kung hindi mo nalaman ng mas maaga baka inagaw mo na si Dennis sakin, you bitch!"

"Wala akong balak agawin sya sayo, Clarisse."

"Ang kapal ng mukha mo! Alam kong meron kang balak!"

"Matagal na 'yon, Clarisse. Kalimutan na natin, you have him now. Nasa iyo sya, wala sa akin. Tigilan mo na 'ko. Tigilan nyo na 'ko." Sabi ko sabay hingang malalim.

Tumalikod na ako. Ayoko ng gulo lalo na't magkaibigan kami ni Clarisse dati bago ko makadate si Dennis.

"Kalimutan? Paano ko makakalimutang muntik mo nang maagaw sa akin si Dennis?! You think it's not a big deal?!"

Sigaw nya kahit nakatalikod na ako. Nagsimula akong lumakad paalis ng comfort room. Hindi na ako lalaban, hindi na ako sasagot. 'Di baleng mahina sa paningin nya, basta ayoko ng gulo. To protect their names nalang din.

"Hindi ako papayag na makalapit ka sa kanya ulit ngayon! Naiintindihan mo?!"

Nagulat ako nang bigla nyang hawakan ang kamay ko at ihinarap ako sa kanya. Halos mabingi ako nang tumama ang kanyang palad sa aking pisngi. She slapped me!

Agad akong napahawak sa pisngi ko na alam kong namumula dahil sa kanyang sampal. Natulala ako.

"You deserve that! That's for bitching my boyfriend!"

Nag-init ang gilid ng mata ko.

"I-I did not bitch your boyfriend." Nauutal kong sambit habang hawak pa rin ang pisngi.

"E ano lang? You whore, stop defending yourself. You know your fault! Admit it and say your sorry!"

"I-I already said my sorry, Clarisse. 'Wag nyo na akong guluhin.."

Umiling sya sakin. "No! I will not stop until I get my satisfaction! I will make you suffer under me!"

Bakit si Pontius Pilate ka ba?

"Fine, Clarisse. If that's what you want."

Mabilis akong lumabas ng comfort room. Ni hindi ko sya nilingon o tiningnan. Mabilis akong naglakad papunta sa kung nasaan sina Juls at Pat.

"Are you okay?" Tanong ni Juls pagkarating ko sa lugar kung nasaan sila.

"Bakit namumula ang pisngi mo, Danah? May sumampal ba sa iyo?" Si Ate Leslie.

Sell Down the River (EDITING)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt