Chapter 7: Kakulitan Mode

2.8K 107 5
                                    

ZHIEA'S POV

"Princess gusto mong coffee?",tanong ng isa sa pinakamakulit na taong nakilala ko sa buong buhay ko. Paglingon ko nagpa-puppy eyes ang babaita.


Sinamaan ko sya ng tingin as indication na ayoko pero di pa rin umalis.


"Juice na lang",nakangiting alok pa nya pero di ko pinansin. "Chocolate cake? Puto? Honey? Pizza?",tas kung anu-ano pa nang isang mataginting na No ang isinagot ko kaya napatigil sya sa pagsa-suggest nang kung anu-ano. Pero sa halip na madiscourage nakangiti pa sya nang tingnan ko.


"What?",iritang tanong ko nang mapansing pangiti-ngiti lang sya.


"Ang ganda mo",parang naengkantong sabi nya kaya halos nasamid ako sa laway ko.


Damn, she doesn't really know how to stop herself from being straight forward. Pati naman nung nakaraan kung anu-anong pinagsasasabi nya, mas malala nga lang ngayon. Dahil siguro sa pagbibigay ko ng chocolate kahapon na nalaman nya kay Ate Shae na sinadya kong ipabili. Tsk. Isip-bata kase sya kaya alam kong magugustuhan nya.


"Ewan ko sayo",sabi ko na lang nang makabawi at humarap na ulit sa laptop ko. Nasa living room kami ngayon. Gumagawa ako ng thesis samantalang nanonood dapat sya ng tv kaso kinukulit ako ngayon. Kung di ba naman talagang isip-bata edi sana hindi Spongebob ang pinapanood nya di ba?


"Princess",tawag nya pero di ko pinapansin. Ilang beses ko na syang pinagsabihan na wag akong tawaging ganun pero di sya mapigilan. Ang layo naman sa pangalan ko di ba. I understood na tawag nya saken yun nung mga bata pa lang kami pero malalaki na kami ngayon. "Ui, Princess",muling tawag nya kaya banas na nilingon ko sya. "Hala, ang hot",biglang sabi nya nung samaan ko sya ng tingin kaya eksaheradang naparoll eyes ako. Ghad, pupunuin ata talaga ako ng isang to eh. Arrrgh!


"Ano bang problema mo ha?"


"Ikaw",sagot nya kaya napakunot-noo ako.


"Bakit ako?"


"Eh kase di mo ko pinapansin. Nakakasakit ka na ng damdaming wagas na umiibig sayo pero akala mo joke lang to",nakapout na sagot nya kaya humalukipkip ako.


"Ang laki naman ng problema mo. Tsk",sarcastic na tugon ko kaya mas sumimangot sya.


"Naman kase Princess eh",maktol nya pero wala akong pakialam na nakatingin lang sa mga expression nyang ginagawa.


"Sang planeta ka ba talaga galing, huh?",out of the blue ay tanong ko tas napataas naman ang kilay ko nang umawang ang bibig nya at nanlaki ang mga mata.


"A-Anong ibig mong sabihin?",utal nyang tanong kaya pinigilan kong matawa.


"Seryoso di mo gets ang tanong ko?",plain kong tanong kaya iniiwas nya ang tingin saken.


"A-Ano kase, wala ka namang alam di ba? Na ano..na galing akong ano..",paputol-putol na sabi nya kaya naiiling kong binalatan ang kending kasama sa iniaalok nya kanina at isinubo.

My Girlfriend Who Time-Travelled (COMPLETED) gxgTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon